• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 9 most wanted person ng Valenzuela, timbog sa manhunt ops

HIMAS-REHAS ang 35-anyos na binata na wanted sa kaso ng pangmomolestiya sa isang menor-de-edad matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Jaypee”, 35 ng Brgy. Ugong at nakatala bilang top 9 most wanted person sa Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na muling naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar matapos itong magtago makaraang sampahan ng kasong pangmomolestiya sa isang menor-de-edad.

 

 

Bumuo ng team ang WSS sa pangunguna P/Lt. Ronald Bautista, kasama ang NDIT-RIU NCR saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:35 ng hapon sa Lamesa Street, Barangay Ugong.

 

 

Ani Lt. Bautista, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court, Branch 270, Valenzuela City noong August 24, 2023, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (b) of R.A. 7610 as amended by R.A. 11648.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong nagkasala na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado na pansamangtalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • RAVENA PURNADA ANG BL ALL-STAR GAME ‘21

    BUNSOD ng pilay sa kamay, hindi na makakabahagi sa B.League All-Star Weekend 2021 si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na Enero 15-16.   Kasama ang 24-anyos, 6-2 ang taas na shooting guard sa B.White team na lalaban sa B.Black squad sa ikalawang araw ng […]

  • DMW naghahanda na para sa isang chartered flight para repatriation ng mahigit 100 Pinoy OFWs sa Lebanon

    NAGHAHANDA na ngayon ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang chartered flight para maiuwi na sa bansa ang nasa 111 Filipino OFWs na nasa Lebanon.     Ayon kay DMW Assistant Secretary Bernard Olalia nasa proseso na ngayon ang ahensiya sa pakikipag-usap sa isang airline company para sa gagawing chartered flight at ang pagkuha […]

  • OCTA magsusumite ng bagong vaccine model para sa limitadong COVID-19 vaccine

    Magsusumite ang OCTA Research group ng vaccine model o paghahambingan ng gobyerno para mabigyan ng tugon ang limitadon suplay ng COVID-19 vaccine sa National Capital Region (NCR) kung saan marami ang kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research group, ang nasabing model ay nakatuon sa limitadong suplay sa NCR. […]