• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 sa NPD Top 10 drug personality at leader ng Onie Drug Group, at Jumy Samson, 38, kapwa ng Brgy. 12.

 

Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU)-District Special Operation Unit (DSOU) sa pamumuno ni PLTCOl Giovanni Hyacinth Caliao I mula sa kanilang impormante at mga barangay opisyal hinggil sa illegal drug activities ni alyas Onie sa Brgys. 12 at 8, at kalapit na mga barangay sa loob ng CAMANAVA.

 

Inginuso din si Perez ng kanyang bayaw na unang nahuli noong Mayo 11, 2020 at nakunan ng 70 gramo ng shabu at iba pang mga nahuling tulak bilang kanilang source ng illegal na droga.

 

Ala-1:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU-DSOU ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tupda Village, Brgy. 8, Caloocan City kung saan isang undercover pulis ang nagawang maka-order ng P12,000 halaga ng shabu kay Perez.

 

Nang tanggapin ni Perez ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba kasama si Samson.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 110 gramo ng shabu na nasa P748,000.00 ang halaga, P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 11 pcs 1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag(Richard Mesa)

Other News
  • HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA

    WALA  pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para  maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers.     Sinabi ni  Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya.     Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang […]

  • Big time oil price rollback, inaasahan naman next week – DOE

    INANUNSYO ng Department of Energy (DOE) na sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng big time oil price rollback.     Ayon kay Director Rino Abad ng Oil Industry Management Bureau ng DOE, hindi pa nila masabi sa ngayon kung magkano ang ibabawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.   […]

  • PBBM ayaw nang pag-usapan tungkol kay VP Sara

    HINDI na pinatulan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga banat ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya.     Sa pagbisita ng Pangulo sa mga labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, natanong siya tungkol sa pahayag ni VP Duterte […]