• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Torralba masasandalan sa opensa, sa depensa

Hindi lang sa open sa pambato si Joshua Torralba kundi sa depensa rin pagdating sa isang larong basketbol.

 

 

Kabilang ang 27 anyos at may taas na 6-2 swingman sa 97 aspirante sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 sa Marso 14 at dumadalanging matapik upang makakayod sa 46th PBA Philippine Cup 2021 simula naman sa Abril 9.

 

 

“A lot of people want to score, do things like this, like that, but honestly I love guarding the best guys. If you pay me or recruit me just to play defense and guard the best guy, g (go) ako, as in super go ako,” bulalas kahapon ng Fil-Am cager.

 

 

Idinugtong ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Makati Super Crunch at University Athletic Association of the Philippies (UAAP)De La Salle University Green Archers,  “There’s a lot of studs, a lot of people that could score but you gotta have those players that could bridge the gap to get a championship, to get the w (win). And I already took pride on that. Coach Juno (Sauler) told me ‘you have a good size, kaya mo naman, you can guard.”

 

 

Nagbalik siya ng Estados Unidos noong 2016 at doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

 

 

At sa kanyang pagbabalik-‘Pinas, nagpasiklab si Torralba para sa Makati na inihatid niya sa North Division Finals ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 kung saan nag-average siya ng 10.7 points, 2.7 rebounds at 1.1 steals.

 

 

“I’m not just a defensive player but I’m also an offensive player,” panapos na wika ng basketbolista sa Opensa Depensa. (REC)

Other News
  • Ads July 29, 2023

  • Maynila may sariling air quality monitoring station na

    Mayroon nang sariling real-time ambient air quality monitoring station ang pamahalaang lungsod ng Maynila na inilagay sa Mehan Garden malapit sa Manila City Hall.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, gagamitin ang nasabing makinarya upang makapagbigay ng datos hinggil sa kalidad ng hangin na nalalanghap sa lungsod kung saan maaaring gamitin ito sa […]

  • PDU30, tinanggigan ang alok na drug czar post sa ilalim ng administrasyong Marcos

    TINANGGIHAN ni Outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang alok na magsilbi siyang drug czar ng kanyang successor na si  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     “The last offer that I saw was to head the, to become the drug czar. Pero tinanggihan niya na iyon eh,” ayon kay acting Palace spokesperson Martin Andanar  nang […]