Torralba nakipagbuno na sa ilang manlalaro ng NBA
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
MATINDING kompetisyon na rin ang natikman ni Joshua Torralba sa United States of America kung saan naging trainer siya para sa Rio Grande Valley Vipers team na kumakampanya sa National Basketball Associatin (NBA) G League.
Ipinahayag kamakalawa ng 26-anyos, may taas na 6-2 swingman, na naranasan na niyang makaharap sa hardcourt ang ilang manlalaro sa NBA kagaya ng kalibre nina Shaun Livingston ng Golden State Warriors, Aaron Brook ng Houston Rockets, Gary Payton II ng dating Washington Wizards at Danuel House na lumaro dati sa Houston din.
“There are a lot of guys that I’ve seen play and played with,” litanya ng beterano ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa pagsusuot ng Makati Super Crunch jersey at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa De La Salle University Green Archers.
Sa mga nabanggit na manlalaro ni Torralba, pinakatigasin aaniya ang si Livingston, na nakatatlong kampeonato na sa US major cage league bilang kasapi ng Golden State Warriors.
Hindi rinnapag-iiwanan si House, na nasa rotation ng Rockets, maging si Payton na anak ni NBA Hall of Famer Gary Dwayne Payton Sr. (REC)
-
2.5M Pinoy, naiahon sa kahirapan-PBBM
IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagawa ng Pilipinas na mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon na kinaharap nito lalo na ang mga hamon sa ekonomiya. “In spite [of] the headwinds that we have faced, we stayed the course,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State Of the Nation Address, araw ng Lunes, […]
-
Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon
SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto. Sinabi ng Kalihim […]
-
Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang
WALA nang puwedeng idahilan para makalusot ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na. Kabilang kasi sa nilagdaang batas ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay pansamantalang sinuspinde ang requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng […]