• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella

PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC).

 

Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia.

 

Ayon kahapaon ni EP president Carissa Coscolluela, maraming batang Pinoy na rider ang may potensyal at maaaring maging matagumpay pagdating ng tamang panahon.

 

“We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives we started so that the sport can continue to grow,” aniya. “Marami na rin kaming initiatives na ginagawa for the sport. Two years ago, Toni, Joker and I then decided to formalize our effort and put it under one umbrella which you all know now as EquestrianPH.”
Inamin rin ng opisyal na maraming beses na silang nakaranas ng pagkakaagrabyado pagdating sa pamunuan.
“For many years there was a conflict. Matagal pinag-awayan. But we realized there’s no point in fighting with them. It’s not gong to resolve anything. The reason we want to be part of the leadership of the NSA was to help make a difference. Now we’ll do it without being part of the NSA,” paliwanag ni Coscolluela.

 

Hirit pa niya, “that’s why we put this group together. Kalimutan na natin kung ano ang ginagawa nila at hindi nila ginagawa. That’s not our problem. We want to give the (equestrian) community what the community deserves to have in terms of development program and competition.”

 

Para kina Coscolluela at Arroyo, ang pag-oorganisa ng mga event ang nagsisilbing panghikayat nila sa mga batang rider.

 

“Right now, we only have only a handful of riders who can qualify to the regional championships,like the Asian Games and the SEA Games. Soon, mag-re-retire mga iyan. So there’s a need to develop feed riders in the training pool,” dugtong pa pa niya.

 

Gumagaling ang karamihan namang mga sumali sa event ng EP.

 

“It’s the first time in the country in over a decade that we have a full-blown championship series wherein we invited riders from all over the country and they were able to compete in a series of competitions where they can get points towards championship titles. That’s really how you breed champions by encouraging them to start early and train early,” panapos naman ni Arroyo. (REC)

Other News
  • Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO

    MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.     Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.     “Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung  pahinga ng isa’t isa.  […]

  • Pinas, target na maiturok ang 1M jabs kada araw simula Nobyembre 20

    TARGET ng national government na maiturok ang isang milyon hanggang 1.5 milyon ng COVID-19 vaccine doses sa isang araw simula Nobyembre 20.   Ayon kay Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules na target ng gobyerno na maiturok ang 15 milyong doses […]

  • ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU

    HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.   Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]