• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Travel restriction laban sa United Kingdom, pag-uusapan pa ng IATF- Sec.Roque

PAG-UUSAPAN pa ng Inter-Agency Task Force kung magpapatupad ng travel restriction laban sa United Kingdom o pansamantalang hindi pagpapapasok ng mga indibidwal mula sa nasabing bansa dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019.

“Pag-uusapan pa po iyan sa IATF pero sa ngayon po, in place pa naman iyong ating mga protocols para sa lahat ng pumapasok ng Pilipinas kasama po iyan iyong mandatory quarantine habang hinihintay po ang resulta ng kanilang PCR tests,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ulat, nagpatupad ang ilang mga bansa ng travel restriction laban sa UK dahil sa ulat na bagong strain ng coronavirus disease 2019.

Ito’y makaraang iulat ng London na “out of control” umano ang pagkalat ng bagong strain ng COVID-19.

Kasama sa mga bansang agpatupad ng travel ban ay ang mga sumusunod:

France, Germany, Italy, Ireland, Netherlands, Belgium, Austria, Sweden, Finland, Switzerland, Baltics, Bulgaria, Romania, Croatia, Turkey, Iran, Israel, Saudi Arabia, Kuwait, El Salvador

Sa Pilipinas, hindi pa umano nakikita ang pangangailangang magpatupad ng travel restriction sa UK dahil wala pa umanong nakikitang ganitong strain ng virus sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na hihigpitan naman ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • ALDEN, na-sad na ‘di kasama ang pamilya sa pagsi-celebrate ng Christmas, New Year at birthday sa Amerika; tuloy na ang lock-in shooting nila ni BEA

    SIMULA kagabi muling napapanood si Asia’s Multimedia Star Alden Richards at ang buong cast ng GMA Primetime series na The World Between Us, sa kanilang season returns.      Kaabang-abang ang new look ni Alden na tinawag na “Alden 2.0” dahil ibang-iba na ang character niya bilang si Louie Asuncion, na para na siyang isang […]

  • Kalye sa Navotas isinailalim sa 2-linggong lockdown

    Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Block 31, Lot 36, Brgy. NBBS, Dagat-dagatan sa Navotas City mula 5 December, 5:01am, hanggang 19 December, 11:59pm alinsunod sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alaman nila na may apat na nagpositibo sa COVID-19 […]

  • ‘70s at ‘80s pa nauso sa Hollywood at local actors: CARLOS, pinagtanggol ng netizens sa pagsusuot ng ‘crop top’

    PINAGPIYESTAHAN nga ng bashers ni Carlos Yulo ang pagsuot nito ng crop top habang nagbabakasyon sa Seoul, South Korea.   Impluwensya daw ito ng girlfriend niyang si Chloe kaya pati damit na pambabae lang daw ay sinusuot nito.   Pero pinagtanggol ang double Olympic Gold medalists ng maraming netizens dahil wala raw masama sa pagsuot […]