TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3
- Published on April 15, 2021
- by @peoplesbalita
Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).
Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264.
Habang mula naman sa Phase 1 – Buendia hanggang Sta. Mesa ay P105; Phase 2 – Ramon Magsaysay hanggang Balintawak ang toll rate ay P129.
Ayon kay TRB spokesman Julius Corpus ang nasabing pinayagang provisional toll rates ay maaari pa na magbago depende sa mga bagong pangyayari sa darating na mga susunod na araw.
Sinabi rin ni Corpus na hindi kaagad-agad na maipapatupad at masisimulan ang pagkokolekta ng mga nasabing toll rates hanggang hindi pa sila nabibigyan ng abiso mula sa TRB.
“It does not necessarily mean that they have been given the approval on the rates that they can automatically collect. These may be the initial provisional rates that they may be authorized to collect once they are given notice to start collection. Until then, they still cannot collect,” wika ni Corpus.
Ang nasabing pinayagan provisional rates ay mas mababa ng konti sa hiniling ng SMC na rates.
Saad din ni Corpus na marami pa na proseso ang pagdadaanan para sa approval ng rates. Gagawa pa ng resolution ang TRB kung saan ito ay kinakailangan na ilathala sa payagan ng general circulation ng isang beses kada linggo sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na linggo. Kinakailangan din na magbigay sila ng surety bond.
Hiwalay pa rin ang mga requirements na kailangan gawin upang ang SMC ay mabigyan ng awtoridad upang makapag kolekta ng toll rates.
Samantala, wika ni SMC president Ramon Ang na lumalaki na ang kanilang pagkalugi dahil sa naaantalang toll collection na dapat sana ay sinimulan noong February pagkatapos na ang SMC ay magbigay ng libreng access sa loob ng isang buwan.
“Basically, TRB is insisting that Skyway 3 cannot start full operations and collect toll until all ramps are 100 percent complete. Our supplemental toll operation agreement states that we can start collecting at 95 percent completion – we are now 97 complete,” saad ni Ang.
Dagdag pa niya na kailangan nila ng sapat na pondo para sa daily maintenance ng kalsada at tamang long-term upkeep upang matiyak na ito ay ligtas at mahusay para sa mga motorista.
Dahil tumataas na ang pagkalugi gawa ng pagaantala ng TRB na simulan na ang toll collection, ang pinakamadaling paraan ay tuluyang ng gawin ang lahat ng ramps upang magkaron ng 100 percent completion subalit ito ay mangangahulugan na ang Skyway 3 ay kailangan munang saraduhan.
Tinatantiya na gagastos ng P10 billion kada taon ang SMC para lamang sa operasyon ng Skyway 3 subalit ang inaasahang makukuhang revenue ay P4 billion lamang kada taon na mas mababa base sa kanilang inihain na toll rates at existing na 60,000 na dami ng sasakyan kada araw.
Ang inihain na mungkahi ng SMC para sa Skyway toll rates noon pa man ay mula P110 hanggang P274. (LASACMAR)
-
‘Team Pilipinas sa Tokyo Olympics, emosyunal pa rin sa panalo ni Hidilyn ng gold medal’
Inamin ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo noong Lunes ni Hidilyn Diaz sa weightlifting. Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila […]
-
Sobrang na-touch dahil sa pa-block screening: ‘Rewind’ nina MARIAN at DINGDONG, blockbuster at balitang naka-368 million na
SUPER-TOUCHED sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa pa-block screening ng mga may-ari ng Nailandia nail spa and salon ng pelikula nilang ‘Rewind’. Bukod kasi sa endorser si Marian ng Nailandia sa halos mahigit sampung taon na ay hindi na matatawaran ang pagkakaibigan nina Marian at Nailandia owner Noreen Divina. Kaya naman as […]
-
Quezon province niyanig ng magnitude 4.9 na lindol – Phivolcs
NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang General Nakar sa probinsiya ng Quezon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs-DOST), naramdaman ang lindol dakong alas-2:14 ng Martes nitong madaling araw. Tectonic in origin ito at may lalim na 15 kilometers ang sentro nito. Naramdaman din ang nasabing lindol sa ilang […]