Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23.
Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa pangunguna ni president/CEO Dr. Daniel Razon.
Makakakampi nina Caidic at Abarrientos ang mga dating PBA star ding sina Anthony Helterbrand at Willie Miller, at mga manlalaro ng UNTV na sina Rod Vasallo ng PITC, Anton Tolentino ng PNP, Julius Casaysayan ng Department of Agriculture, at Carlo Gonzalez at Macky Escalona ng GSIS.
Makakatunggali naman nila ang celebrity squad na binubuo nina Mark Herras, Ejay Falcon, JayR, Young JV, Jordan Herrera, Adrian Alandy, James Blanco, Albie Casino, Gerhard Acao, Axel Torres at Rayver Cruz.
Si Crispa great Fortunaro Co, Jr. ang match director. Hahawakan ni Edgardo Cordero ang Legends-UNTV, si Emman Monfort ang sa Celebrities. May volleyball exhibition din ang celebrities at current players kung saan nagkumpirmang lalahok sina Gretchen Ho, Aya Fernandez at Gwen Zamora.
“Basta puwede ako makatulong, handa ako parati,” pahayag ni Caidic. “Nakakaawa ang mga kababayan natin sa Batangas. Dapat lang damayan natin.” Panoorin po natin, lalo na ang mga panatiko ng basketbol. Masisiyahan na kayo, nakatulong pa kayo sa ating mga mahal na kababayan. (REC)
-
IOC, nagbanta na parurusahan amg mga atleta na magpoprotesta sa Tokyo Olympics
Nagpaalala ang International Olympic Committee (IOC) sa mga atleta na dadalo sa Tokyo Olympics na huwag magbabalak na lumuhod at magtataas ng kamao bilang suporta sa racial equality. Ayon sa IOC na hindi sila magdadalawang isip na parusahan ang mga sinumang atleta na gagawin ang nasabing hakbang. Nakasaad kasi sa IOC […]
-
PNP heightened alert vs Bagyong Ofel, Pepito
INALERTO na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Regional Office nito sa buong bansa laban sa epektong dulot ng paparating na mga bagyong Ofel at Pepito. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, simula alas-8 ng umaga kahapon ay inilagay na sa heightened alert status ang lahat ng […]
-
Lakers, dumanas ng 29 point-loss sa kamay ng Wolves
TINAMBAKAN ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers ng 29 points (Dec. 3), 109 – 80. Ipinalasap ng Wolves sa Lakers ang ika-siyam na pagkatalo ngayong season sa pangunguna ng bigman na si Rudy Gobert na nagpasok ng 17 points at nagbulsa ng 12 rebounds. Nagdagdag naman ng 18 points […]