• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Trillanes, muli na namang sinopla ng Malakanyang

SINOPLA ng Malakanyang si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV nang sabihin nito na ire-reject ng mga botanteng Filipino ang “Duterte brand” sa eleksyon sakali’t magdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte na sumali at tumakbo sa presidential race.

 

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ang resulta ng 2022 presidential at vice presidential elections ang makapagsasabi sa posibilidad na kapalaran ng Duterte-Duterte tandem.

 

“Doon sa sinabi naman ni Senator Trillanes, well, I’m afraid he cannot claim to be the spokesperson of the people of this country. Malalaman lang po natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos po ng eleksiyon. Kaya nga po magkaroon tayo dapat ng eleksiyon,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ipinagkibit- balikat naman ni Sec. Roque ang pahayag ni 1Sambayan coalition convenor Howard Calleja na naniniwala siyang ibabasura lang ng mamamayang Filipino ang Duterte-Duterte tandem, dahil nakikita na ng mga ito ngayon pa lang ang “selfish move” ng mag-amang Duterte.

 

“Well, sabi nga po ni [Health] Secretary Duque, see you on election day. Taongbayan po ang magdedesiyon diyan. At saka nakapagtataka naman, bakit kaya ang akala ng opposition, sila ang tagapagsalita ng taongbayan,” aniya pa rin.

 

Tinukoy ang Pulse Asia’s September 2020 survey results, sinabi nito na “less than 5 percent disapproved of Duterte’s performance as president.”

 

“E kung titignan mo mga surveys, wala pa pong limang porsiyento ang hindi sumusuporta sa ating Presidente. So mag-ingat po tayo, bagamat sinasabing kayo ang boses ng taongbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay ,” ani Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Sec.Roque na pinapayagan sa ilalim ng 1987 Constitution ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

 

“There is absolutely no ban for a president to run for vice president. If you can show me a provision which bars the president to run for the position of vice president, then, of course, the president will honor that prohibition. But as it is, there is no literal provision in the Constitution that states that principle,” aniya pa rin.

 

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagdedesisyon ang Pangulo ukol sa nabuong resolusyon ng PDP-Laban na kinukumbinsi ang Punong Ehekutibo na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo ng bansa.

 

Noong nakaraang linggo, siniguro ni Sec. Roque na ang paggupo sa covid-19 at ang pagpapalakas sa vaccination drive ay nananatiling “top priority” ni Pangulong Duterte.

 

Inamin ni Sec. Roque na may opsyon ang Pangulo sa kung sino ang maaar niyang magin runniing mate kung saan kabilang dito sina Sara Duterte, Senator Christopher “Bong” Go, Senator Manny Pacquiao, dating Senator Bongbong Marcos, at Manila Mayor Isko Moreno. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nagpahayag ng pakikidalamhati, simpatiya sa pangatlong Filipino victim sa Israel-Hamas conflict

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ni  Loreta “Lorie” Villarin Alacre, pangatlong Filipino na nasawi sa labanan sa pagitan ng  Hamas militants at  Israeli forces, na agad na iuuwi ang labi nito sa  oras na buksan  na ang humanitarian corridor sa mga apektadong sibilyan.     Si Alacre, 49 taong gulang, isang […]

  • NO VACCINE, NO MGCQ policy ni PDu30

    NAGBIGAY na ng kanyang direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na hindi niya isasailalim ang buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) maliban na lamang kung magsimula nang mag-rollout ang bakuna.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinikilala ng Chief Executive ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at […]

  • Aklat hinggil sa eleksiyon sa Filipinas, inilunsad sa Araw ni Balmaseda 2020

    INILUNSAD ang aklat na Prosesong Elektoral (1846-1898): Ang Kaso ng Halalang Lokal sa Lalawigan ng Tayabas ni Dr. Gilbert E. Macarandang noong 28 Enero 2020, bilang paggunita sa ika-135 na kaarawan ni Julian Cruz Balmaseda.   Unang kinilala ang pananaliksik na ito nang parangalan ito bilang pinakamahusay na disertasyon sa agham pampulitika noong Gawad Julian […]