2 tulak nasakote sa Caloocan buy-bust
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
WALANG kawala ang dalawang hinihinalang drug pushers matapos bentahan ng marijuana ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy- bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police deputy chief for administration PLTCOL Ilustre Mendoza naarestong mga suspek na si Ian Lester Catalan, 24 ng Misamis St. brgy. 153 at Norman Sta. Ana, 40, ng Malolos Ave. Brgy. 154.
Ayon kay PLTCOL Mendoza, dakong 1 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Caloocanb Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo at P/Capt. Jeraldson Rivera ng Bagong Barrio SS5 ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Miraclre st. Brgy. 153, Bagong Barrio.
Nang tanggapin ng mga suspek ang P1,000 marked money mula kay PCpl Mark Christian Cabanilla na nagpanggap buyer kapalit ng isang medium size brick cling plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops at agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang 4 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P27,000 ang halaga, 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na nasa P60,000 ang halaga at buy- bust money.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Kahit wala pang sinasabi ang management ng ABS-CBN: Action serye ni COCO, balitang tatapusin na at papalitan ng ‘Darna’ ni JANE
MULING nagwagi sa isang festival ang bagong movie ni Direk Louie Ignacio titled Broken Blooms mula sa Bentria Productions. Wagi ito as Best Narrative Feature sa Mokkho International Film Festival 2022 sa India. Kamakailan lamang ay nagwagi ito ng Gold Remi Award at the Houston International Film Festival and Recognition from […]
-
Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA
MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa lungsod ng Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia. Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa Lviv […]
-
MARIAN, nagpakita ng pagsuporta kay KISSES na palaban sa ‘Miss Universe Philippines’
NAGPAKITA ng pagsuporta si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa co-artist sa Triple A (All Access to Artists) management na si Kisses Delavin. Isa nga si Kisses na panlaban ng Masbate sa nakapasok sa Top 100 candidates ng Miss Universe Philippines 2021 na magti-trim sa 75 at malaki ang tulong ng online fans […]