• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Triple H inanunsiyo na ang pagreretiro

INANUNSIYO ni wrestling legend Triple H na ito ay magreretiro na.

 

 

Sinabi ng kilalang wrestler o Paul Levesque sa tunay na buhay na nagkaroon ito ng sakit sa puso.

 

 

Natuklasan lamang nito ang sakit sa puso noong sumailalim sa check up.

 

 

Dinapuan din aniya ito ng viral pneumonia kung saan naging apektado ang kaniyang baga.

 

 

Si Triple H ay 14-time world champion at noong 2019 ay kabilang itong hinirang bilang WWE Hall of Fame.

Other News
  • Ginang timbog sa sugal at shabu

    Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga […]

  • Dasal ni ONYOK na ‘wag sanang mapako ang mga pinangakong incentives kay HIDILYN

    KABILANG ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas.     Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996.     “Yung kay Hidilyn, sana […]

  • FIGHT FOR LOVE

    MALE CHAUVINISM!!!Ayan ang matagal ng problema ni Max sa kanyang trabaho. Bakit hindi siya mabigyan ng fair chance porke’t male dominated job ang fire fighting? Hindi maalis sa isip niya ang natanggap na pa-welcome sa kanya.     “One month…I’ll give you one month para patunayan ang sarili mo.”     Sa dulo ng mahabang […]