TRO hinain ng PISTON sa SC
- Published on December 22, 2023
- by @peoplesbalita
NOONG nakaraang Miyerkules ay naghain ng petisyon sa Supreme Court (SC) ang grupong PISTON upang humingi ng temporary restraining order (TRO) laban sa consolidation ng prangkisa na siyang kailangan sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Sa kanilang petisyon ay kanilang sinabi na ang mandatory consolidation ay isang paglabag sa karapatan na magkaron ng malayang samahan.
“The constitutionally guaranteed freedom of association includes the freedom not to associate,” wika ng PISTON.
Ang programa sa PUV modernization ay kinakailangan upang ang jeepney operators ay mag consolidate ng kanikanilang prangkisa upang maging isang prangkisa na lamang sa ilalim ng kooperatiba o korporasyon na may deadline sa darating na Dec. 31.
Ayon sa PISTON, may 140,000 na drivers at 60,000 na maliliit na operators ang mawawalan ng prangkisa kung ang deadline ay mananatili. Dagdag ng PISTON na may 28.5 milyon na pasahero ang maaapektuhan sa buong bansa na siyang magiging sanhi ng “transport disaster” ngayon Jan. 2024.
Sinabi ni PISTON national president Mody Floranda na ang kailangan nila ay yong sama-samang pagkilos at paglahok sa iba’t ibang mobilization o anumang pagkilos ng mga drivers at ng mamamayan upang itulak mismo ng pamahalaan na ibasura ang mapaniil na polisia at patakaran na ayon sa kanila ay anti-tsuper, anti-operator at anti-mamamayan. Binibigyan suporta naman ng samahang Manibela ang petisyon ng PISTON.
Ang nasabing dalawang grupo ay kumikilos pa rin hanggang ngayon Biyernes upang magwelga habang sila ay naghihintay na magkaron ng desisyon ang pamahalaan na magkaron pa ng extension ang deadline sa Dec.31.
Naniniwala ang mga jeepney drivers at operators na ang modern jeepneys ay masyadong mahal. Kung sila naman ay magkakaron ng consolidation upang magkaron na lamang ng single-unit operator sa ruta ng kanilang prangkisa ay tiyak na mapupunta lamang sa malalaking korporasyon at kooperatiba sa transportasyon ang nasabing prangkisa.
Mas gusto ng mga drivers at operators na magkaron na lamang ng upgrading ng kanilang existing units kung saan mas mura at magiging fuel efficient at environment friendly din naman ito.
Subalit sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang paglahok sa isang kooperatiba at korporasyon ay magiging daan upang ang mga operators at drivers ay magkaron ng madaling access sa pondo lalo na kung sila ay kukuha ng loans para sa modern jeepneys. Kasama sa mga financial institutions na nagbibigay ng loan para sa nasabing programa ay ang Land Bank of the Philippines (LBP), Development Bank of the Philippines (DBP) at may plano rin ang lokal ng pamahalaan na lalahok sa programa upang magbigay ng pondo. LASACMAR
-
PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off
Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina. Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]
-
Employers walang takas sa 13th month pay, business permit kakanselahin
KAKANSELAHIN ang business permit ng isang employer sakaling mapatunayang nabigo itong ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado. Ito’y kapag naisabatas ang inihaing panukala nina ACT-CIS party-list Reps. Eric Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran. Pangunahing layunin ng House Bill 6272 na paghusayin pa ang 13th month pay compliance sa pamamagitan ng […]
-
ANGEL, tuturuan ng tamang paraan ni MARIAN after makita ang post ng ‘epic fail’ na pagluluto ng spaghetti
NAG–ABOT pa sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Angel Locsin sa GMA Network, bago ito lumipat sa ABS-CBN. Pero nanatili ang friendship nila, kahit hindi naman sila madalas nagkikita, dahil may social media naman. Kaya nga nakita ni Marian ang IG story ni Angel, na nag-aral palang magluto ng spaghetti […]