• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TRO ng SC sa PhilHealth fund transfer, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang pagpapalabas ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na humahadlang sa paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury.

 

 

“This is one big win for the Filipino people! Sulit ang ating pangungulit!” ani Go sa pagsasabing ang mga pondo ng pampublikong kalusugan ay dapat na gamitin lamang sa kalusugan at kagalingan ng mga Pilipino.

 

 

“We thank the Supreme Court for heeding the calls to temporarily stop the illegal and immoral transfer of health funds from PhilHealth to finance projects unrelated to the health and wellness of our people,” dagdag niya.

 

Ang utos ng Korte Suprema ay kasunod ng tatlong petisyon na nagsasaad na ang transfer ay magpapahina sa sektor ng kalusugan. Nilinaw ni Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting na habang pinipigilan ng TRO ang nasabing paglilipat, ang mga pondong na-transfer na sa Treasury ay hindi awtomatikong maibabalik. Nitong Oktubre, ang Department of Finance (DOF) ay naglipat na ng P60 bilyon, at isa pang tranche ang inaasahan sa Nobyembre.

 

 

Ang desisyon ng Korte Suprema, sabi ni Go, ay ayon sa kanyang patuloy na panawagan na pangalagaan ang mga pondong inilaan para sa pangangalagang pangkalusugan.

Other News
  • SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA

    SINIGURO  ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na  rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko .   Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown”  kung paano ginasta ang […]

  • Mayor Joy, pabor luwagan ang quarantine restrictions sa NCR Plus

    Pabor si Quezon City Mayor Joy Belmonte na ibaba na sa General Community Quarantine ang NCR Plus pagtapos nang pinaiiral na MECQ hanggang Mayo 14.     Sinabi ni Belmonte na  kailangang maibaba na ang quarantine restrictions para mabuksan na ang ilang negos­yo sa Metro Manila at mapasigla ang ekonomiya.     Gayunman, sinabi nito […]

  • Nanggulat sa pagpayag na maging ‘calendar girl’: RIA, ipakikita na champion sa pagtataguyod ng body positivity

    MINAMARKAHAN ng Destileria Limtuaco & Co., Inc. ang ika-60 na anibersaryo ng White Castle Whisky kasama si Ria Atayde bilang 2023 White Castle Whisky Girl.   Na-immortalize ang imahe ng White Castle Girl na naka-suot ng pulang bikini sa ibabaw ng puting kabayo sa Pinoy pop culture.   At ngayon at nanggulat nga ang na […]