• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, muling sinisisi ang Pinas sa tensyon sa South China Sea

SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan.

 

 

Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.”

 

 

Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos sa bisa ng sinasabing kasunduan sa pagitan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese Communist Party na huwag magpadala ng kahit na anumang construction materials sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

Subalit sinabi ng Embahada na ang Tsina “has been exploring, with previous administrations and the current government of the Philippines, the pragmatic way to effectively manage” ang sea row, at ang “understandings and agreements reached by the two sides” pinanatili ang overall “peace and stability” sa nakalipas na mga taon.

 

 

“And also because the understandings and agreements were no longer adhered to, the situation around Ren’ai Jiao became difficult and incidents happened once and again,” ayon pa rin sa Embahada.

 

 

Nauna rito, bago pa ang kanyang departure para sa Washington, sinabi ni Pangulong Marcos na ang “gentleman agreement” ay hindi “officially exist” dahil “there is no documentation,” at walang record nito.

 

 

Bagama’t pinawalang-bisa na ng gobyerno ang anumang kasunduan na may kinalaman sa West Philippine Sea, hinikayat pa rin ng Embahada ang Pilipinas na “to value and honor their commitments.

 

 

“It also called on Manila to abide “by the consensus, and return as soon as possible to the right track of properly managing the situation through dialogue and consultation.” ayon pa rin sa Embahada. (Daris Jose)

Other News
  • Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso

    NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1.     Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang […]

  • VHONG NAVARRO SUMAILALIM SA PROSESO

    PERSONAL na sumuko sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) at sumailalim sa proseso ang TV host na si Vhong Navarro.     Kasama rito ang finger printing, mugshot at pagkuha ng kanyang personal na detalye.     Ito ay matapos magpalabas ang Taguig Metropolitan  Trial court Branch 116 ng warrant of arrest laban […]

  • BIKTIMA NG TRAFFICKING NAGPANGGAP NA MGA SEAFARERS, NA-RESCUE

    NA-RESCUE ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa   Clark International Airport (CIA) sa Pampanga ang dalawang kababaihan na hinihinalang biktima ng trafficking na tinangkang pumuslit ng bansa at nagpanggap na mga seafarers.     Ang dalawang ay papasakay ng Cebu Pacific patungong Hongkong , ayon sa report kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ng […]