• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsukii sumipa ng gold sa Cairo meet

Inangkin ni Fil-Japanese karateka Junna Tsukii ang gold medal matapos ungusan si Egyptian bet Areeg Rashed, 2-1, sa women’s kumite -50 kilogram division sa 2021 Karate1 Premier League sa Cairo.

 

 

Isang matulis na suntok ang nailusot ni Tsukii sa natitirang anim na segundo para takasan si Rashed sa kanilang finals match.

 

 

“We won the Premier League Tournament! Thank you for all your support,” sabi ni Tsukii sa kanyang Facebook post.

 

 

Para makapasok sa gold medal round ay kinailangang talunin ng 29-anyos na national karateka sina Aleksandra Grujic ng Austria, Yorgelis Salazar ng Venezuela at Ahmed Saleema ng Egypt.

 

 

Ito ang ikatlong gold medal ni Tsukii matapos magreyna sa nakaraang Golden Belt Tournament sa Cacak, Serbia noong Marso at sa Karate1 Premier League leg sa Lisbon, Portugal noong Mayo.

 

 

Kasalukuyang nasa No. 7 ang 2019 Southeast Asian Games gold meda­list sa kanyang kategorya sa pinakabagong listahang inilabas ng World Karate Federation (WKF).

 

 

Nauna nang nabigo si Tsukii na makakuha ng tiket para sa nakaraang Tokyo Olympic Games matapos matalo sa World Olympic Qualification Tournament sa Paris, France noong Hunyo.

Other News
  • Marcos, Duterte nakakuha ng majority approval, trust ratings sa pinakabagong Pulse Asia survey

    KAPWA nakakuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte  ng  majority approval at trust ratings para sa buwan ng Marso, base sa makikitang resulta ng Pulse Asia survey.     Makikita sa resulta ng survey na si Pangulong Marcos ay nakakuha ng  approval rating na 78% habang si  Duterte naman ay  mayroong […]

  • 10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

    SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.   Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.   Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police […]

  • Bilang ng mga turistang umaalis sa bansa, mababa pa rin

    MABABA pa rin ang bilang ng mga umaalis na turistang Filipino sa kabila na ng pagtanggal nila ng departure restrictions at pagpayag sa non essential outbound travel.   Base sa datos kahapon, 95 na mga Filipinos ang umalis sa ilalim ng tourist visa sa kabuuang 1,172 na mga Flipinos na umalis, kaibahan sa 64 na […]