Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.
Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7.
Nabatid na nasa 210 meters ang normal high water level o spilling level ng Angat.
Ang Angat ang nagsusuplay ng tubig sa 90 porsyento ng residente ng Metro Manila.
Dahil dito, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na maaaring bawasan ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat.
Una nang nag-anunsiyo ang Maynilad na halos 600,000 customers nito ang makararanas ng siyam na oras na water interruption simula sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dulot ng walang ulan na nararanasan sa may watershed ng dam.
Magsisimula ang water interruption ng 7:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga araw-araw.
Wala namang mararanasang water interruption ang mga customer ng Manila Water.
Samantala, nasa 98.76 meters ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan, 745.32 meters sa Ambuklao Dam sa Benguet habang nasa 236.85 meters ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet.
Nasa 179.39 meters naman ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija habang ang Magat sa Ifugao at Isabela provinces ay nasa 164.81 meters.
Una nang naideklara ng PAGASA na pumasok na ang El Niño sa Pilipinas na mararanasana hanggang unang quarter ng 2024. (Daris Jose)
-
Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021
INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals. Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations. […]
-
Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture
STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community. Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU Easter Sunday […]
-
2025 budget, halos P10 billion para sa HMO benefits ng mga manggagawa ng gobyerno
KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ay ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits para sa mga manggagawa ng gobyerno. “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon […]