• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas

ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jay Vee, 25, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng droga.

 

 

 

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek, dakong alas-12:46 ng hating gabi sa Gov. Pascual St., Brgy. San Roque.

 

 

 

Ayon kay SDEU chief P/Capt. Genere Sanchez, nakumpiska nila sa suspek ang humigi’t kumulang 5.11 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P34,748.00 at buy bust money.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Landslide victory kina BBM, Sara asahan

    TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.     Sa “partial at unofficial tally” mula sa transpa­rency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si […]

  • NADINE, handog ang virtual concert para sa elderly gay community at mga drag artists

    MAGHAHANDOG ng virtual concert para sa elderly gay community si Nadine Lustre na may titulong Nadine, Together With Us.        Para rin daw ito maka-raise ng funds para sa mga drag artists na nawalan ng trabaho noong magkaroon ng pandemya.   The online show will be streamed via the official TaskUs PH Facebook page on […]

  • Mayor Vico: Manatiling vigilante vs COVID-19

    Umaapela si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko na manatiling vigilante at patuloy na tumalima sa lahat ng health at safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan upang labanan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.     Ang apela ay ginawa ni Sotto sa kanyang social media accounts sa gitna na rin […]