• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon

Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

 

Ayon sa ulat, dakong 11:50 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangununa ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pamumuno ni P/Capt. John David Chua sa kahabaan ng MH Del Pilar corner Kaingin II St. Brgy. Tinajeros.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 18 gramo ng shabu na tinayatang nasa P122,400.00 ang halaga at buy bust money.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensice Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Maraming nag-attempt pero walang nagtagumpay: LLOYD, marunong um-exit ‘pag ramdam na ang harassment

    CRUSH at pantasya siya noon mapa-babae man o bading ang sikat na matinee idol noong Dekada ‘80 si Lloyd Samartino.   Kaya naman sa panayam namin sa kanya, dahil talamak na nangyayari ngayon sa showbiz ang issue ng sexual harassment, hiningan namin si Lloyd ng komento tungkol dito.   At umamin siya na noon pa […]

  • National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak

    HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa.     Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric […]

  • Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).   Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of […]