• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulfo, Legarda, Villar nanguna sa ‘Pulso ng Bayan’ senatorial survey

NANGUNA  sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at dating public works secretary Mark Villar sa latest senatorial preference survey ng Pulse Asia.

 

 

Sa survey na ginanap noong Pebrero 18-23, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 66.9 percent; pumangalawa si Legarda (58.9%); at puma­ngatlo naman si Villar (56.2%).

 

 

Sinundan naman sila nina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (55%) Gov. Chiz Escudero (55.7%);  Sen. Migz Zubiri (50.5%); Sorsogon Gov. Chiz Escudero (49.8%); actor Robin Padilla (47.3%); former Vice President Jojo Binay (44.5%); Sen. Win Gatchalian (44.6%); Sen. Joel Villanueva (42%); former senator Jinggoy Estrada (38.6%); and former Quezon City Mayor Herbert Bautista (32.8%).

 

 

Nasungkit ni Legarda ang ikalawang pwesto sa talaan ng mga napipisil na senatorial candidates sa darating na Mayo matapos maungusan si Cayetano na nalaglag sa ikaapat na pwesto.

 

 

Si Legarda ay kinikilala sa kanyang malinaw at masigasig na adbokasiya para sa pagpapalakas ng mga local government units, mahihirap na manggagawa, magsasaka, healthcare workers, mga guro at mga polisiyang maka-kalikasan.

Other News
  • 2 NAAKTONG NAGSA-SHABU SA LOOB NG KARITON SA NAVOTAS

    WALANG kawala ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, […]

  • Balitaan sa Tinapayan

    HINIMOK ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay sa pamamasada sa Maynila na ayusin na ang kanilang mga dokumento para sa pagkuha ng prangkisa ng ipinapasada nilang sasakyan. Sa kanyang pagdalo Biyernes ng umaga sa relaunching ng “Balitaan sa Tinapayan” na ginanap sa Tinapayan Festival Bakeshoppe sa kanto […]

  • Internet speed sa Pinas, bumuti

    BUMUTI ang internet speed sa Pilipinas sa huling buwan ng 2022, sa pinakabagong datos na ipinalabas ng global speed monitoring firm Speedtest by Ookla.     Batay sa pinakabagong Ookla Speedtest Global Index report, tumaas ang mobile download at fixed broadband speeds para sa bansa noong December.     Tumaas ang mobile median download ng […]