Tuloy ang paglaban sa ‘Miss Planet International’: HERLENE, nagsimula na ng familiarity workshop kasama ang cast ng serye
- Published on October 14, 2022
- by @peoplesbalita
CONGRATULATIONS to Kapuso actress Yasmien Kurdi.
Kinilala si Yasmien ng Diamond Excellence Awards bilang Outstanding TV Actress of the Year.
Instagram post ng pasasalamat ni Yasmien: “It is a great honor for me to receive this award. Maraming salamat Diamond Excellence Awards sa parangal na ibinigay ninyo sa akin bilang “Outstanding TV Actress of the Year.”
“I want to give my sincere thanks to everyone who supported me in my journey, believed in my talents as an actress and encouraged me to do my best. Maraming-maraming salamat po!”
Binati si Yasmien ng mga kasama niya sa “Start-Up Philippines” na sina Gabby Eigenmann at Jeric Gonzales sa bagong achievement na natanggap nito.
Ginagampanan ni Yasmien sa serye ang role ni Ina, elder sister ni Dani (Bea Alonzo). Napapanood ang “Start-Up PH” every night, 8:50PM sa GMA-7, after “Maria Clara at Ibarra.”
***
NAGSIMULA na si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner-up Herlene Nicole Budol ng familiarity workshop ng upcoming GMA drama series na “Magandang Dilag,” kasama ang cast, na binubuo nina Benjamin Alves, Maxine Medina, Rob Gomez at Adrian Alandy, with Christopher de Leon (in a very special role), Sandy Andolong at Chanda Romero.
Kontrabida ni Herlene si Maxine, na nagsabing medyo hirap daw siya na makaeksena si Herlene dahil kilala niya itong mabait kaya mahihirapan siya sa mga eksenang aawayin niya.
“She’s very wise, very funny and very cunning,” sabi ni Rob.
“Makikita natin ‘yung side na kaya niyang mag-light comedy pero nandoon ang puso, ang drama. Nandoon pa rin ‘yung mga scenes na inaapi siya pero nandoon pa rin ang lightness niya,” wika naman ni Benjamin.
Hindi naman bago na kay Herlene ang pag-arte dahil nagawa na niya ang life story niya sa “Magpakailanman” ni Ms. Mel Tiangco, na siya ang gumanap sa character niya at nakasama rin sila ni Buboy Aguilar sa “False Positive” series nina Glaiza de Castro at Xian Lim.
Tuloy ang pag-compete ni Harlene sa Miss Planet International this coming November 19 sa Uganda. At pagbalik niya, malamang mapanood na si Herlene sa “Magandang Dilag” sa GMA Afternoon Prime.
***
MARAMING nagtatanong bakit hindi pa bumabalik si Coco Martin mula sa pasasalamat show nila sa US, na nag-concert ang “Probinsyano” group. Iyon pala, ay isinabay na rin nila ang pagsu-shooting doon ng movie na magiging entry nila sa coming 2022 Metro Manila Film Festival sa December. Sa Los Angeles, USA sila nagsu-shoot ngayon ng movie.
Tampok sa movie si Coco at makakatambal niya si Jodi Sta. Maria. It will be a romantic comedy movie na si Coco rin ang nagdidirek.
Balita rin namin, after ng MMFF 2022, sisimulan naman ni Coco ang bago niyang TV series, at magsu-shoot ng bagong TV commercials.
(NORA V. CALDERON)
-
MMDA kakausapin ang LGUs ukol sa pagbabalik ng provincial buses’ sa EDSA
MAKIKIPAG-UGNAYAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa local government units (LGUs) hinggil sa pagpapalabas ng ordinansa na magre-regulate sa posibleng pagbabalik ng 4,000 provincial buses sa kahabaan ng EDSA. Sinabi ni MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. na plano niyang makipagkita sa mga Alkalde ng Pasay, Caloocan, Makati, Mandaluyong, San Juan at Quezon City […]
-
Gilas inilusot ni Belangel
Pormal nang inangkin ng Gilas Pilipinas ang tiket para sa 2021 FIBA Asia Cup Championships sa Agosto sa Indonesia. Salamat na lamang sa buzzer-beating three-point shot ni point guard SJ Belangel. Ang triple ni Belangel ang nagtakas sa 81-78 panalo ng Nationals laban sa mga South Koreans sa third at final […]
-
3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City. Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang […]