• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy ang Miss World 2021 Coronation: TRACY MAUREEN, handa nang ipakita na kayang mapanalunan ang korona

TULOY na ang Miss World 2021 Coronation matapos itong maantala last December 17 dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

Ready na ang Philippine bet na si Tracy Maureen Perez to conquer greater heights at ipakita na kaya niyang mapanalunan ang korona as she competes with 40 candidates aiming to win the Miss World 2021 crown.

 

 

Ang Cebuana beauty queen ay nagkaroon ng good start nang makakuha ng slot sa Top 30, matapos niyang magwagi sa second round ng Head-to-Head challenge.

 

 

Napili rin siya among the Top 5 finalists para sa Beauty with a Purpose challenge, kung saan ibinandera ang kahalagahan ng empowering single parents.

 

 

Ang Miss World 2021 ay gagawin sa Jose Miguel Agrelot Coliseum sa San Juan, Puerto Rico today, March 17, 8 a.m. Philippine Standard Time.

 

 

The coronation will be streaming LIVE online and commercial-free via Upstream PH.

 

 

Oras na para ipakita natin ang suporta kay Tracy kaya nood na ng Miss World 2021 night anytime, anywhere, via Upstream PH!

 

 

***

 

 

AMINADO si Andrei Yllana na naging pasaway siya when he was still in high school.

 

 

Sinabi ng anak ng estranged couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana na lahat ng kalokohan na pwedeng gawin ng isang estudyante ay ginawa niya.

 

 

Butas-butas ang attendance niya (meaning ‘di siya pumapasok) o kaya late siya dumarating sa klase.

 

 

“It was like that when I was in my first two years in high school. Pero I realized na hindi rin naman maganda ang ginawa ko kaya bumawi naman ako,” sabi ni Andrei na kasama sa Vivamax series na The Seniors na streaming na sa March 20, pinagbibidahan ito nina Julia Barretto Awra Brigeula, Andrea Babierra at Ella Cruz.

 

 

***

 

 

BATA pa siya ay pangarap na ni Ronnie Liang na maging piloto.

 

 

Pero alam daw niya na medyo mahirap tuparin ang dream niya dahil magastos ang kursong ito.

 

 

Pero this did not stop to continue dreaming kaya naman malapit-lapit na niyang matupad ang pangarap niya na maging commercial pilot.

 

 

Sa isang chikahan over merienda, ibinahagi ni Ronnie ang hirap na kanyang pinagdaan nang mag-volunteer siya sa Philippine Army. Mahirap daw ang training nakayanan naman niya.

 

 

Masayang ibinalita ni Ronnie na he was promoted recently. First lieutenant na ang kamyang ranggo and may mga sundalo under him.

 

 

Isa si Ronnie sa jurors ng Sing-Galing na isa sa mga top-rating shows ng TV 5.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • NBA commissioner Adam Silver, ikinatuwa ang wala ng COVID-19 positive sa mga players

    Ikinatuwa ng NBA na wala ng naitatalang nagpositibo sa coronavirus sa isinagawang pinakahuling testing isang araw bago ang pormal na pagsisimula ng season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, naging epektibo ang ginawa nilang quarantine bubble ilang linggo bago ang pagsisimula ng mga tune-up games at ang […]

  • PDu30, pinayuhan ng doktor na iwasan na ang pag-inom ng alak

    PINAYUHAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang doktor na iwasan na ang pag-iinom ng alak.   Ito ayon sa Pangulo ay dahil malapit na di umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett’s esophagus.   Magugunitang, una nang sinabi noon ng Chief Executive, 75 taong gulang sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon […]

  • Bong Joon-ho, Confirms Two Follow-up Films for ‘Parasite’

    HERE’S an update on what’s next for the director of Parasite.     Director Bong Joon-ho has confirmed that he’s currently working on two follow-up films for his Academy Award-winning movie Parasite.     Through The Director’s Cut podcast, the South Korean director shared that one of the two scripts is already finished. He also confirmed that one […]