• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuloy na tuloy na ang serye nila ni Alden: BEA, inaming na-pitch sa kanya ang ‘Start Up’ na naging rason para maging Kapuso

TULOY na tuloy na ang pagtatambal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa local adaptation ng 2020 South Korean series na Start-Up.  

 

 

Hindi nag-announce ang Kapuso Network na tuloy ang romantic-drama series, hanggang hindi nila naayos ang contract nila in partnership with Korea’s CJEMM.

 

 

According to Senior Vice President for GMA Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, excited na silang i-co-produce ang local version ng one of the favorite K-drama because of its inspiring story about reaching for one’s dreams, story about love, friendship, set in a modern backdrop na tiyak na magugustuhan ng Filipino audience, created and produced by Studio Dragon.

 

 

Ang Start-Up ay first Philippine adaptation Korean series na gagawin ni Alden at sigurado raw magiging ready siya lagi sa mga eksena nila ni Bea, hindi niya kasi ipinagkakaila na fan siya ng John Lloyd Cruz-Bea Alonzo love team, bukod pa sa kilala na rin niyang magtrabaho si Bea dahil ilang TV commercials na ang nagawa nilang magkasama (the latest nga ay ang Century Tuna SuperBods).

 

 

Ayon naman kay Bea, nakatutuwa raw na bago pa siya nag-sign ng contract sa GMA, na-pitch na raw sa kanya ng mga big bosses na gagawin niya ang Start-Up, kaya isa ito sa reason kaya naging Kapuso siya.

 

 

Dagdag pa ni Bea, nakita na raw niya kung gaano kahusay na actor si Alden, kaya dapat paghusayin din niya ang pag-arte niya para hindi siya mapahiya sa bago niyang leading man.

 

 

Inaayos na ng GMA ang location setting at kung kailan sila magsisimula ng lock-in taping.  Susunod na i-announce ng GMA kung sinu-sino ang bubuo sa cast at kung sino ang magdidirek ng Start-Up.

 

 

***

 

 

WALA palang problema si Kapuso actress Bianca Umali sa everyday na trabaho niya, dahil mag-isa lamang siyang namumuhay ngayon.

 

 

Of legal age na si Bianca kaya humiwalay na siya sa lola niya at siya ang gumagawa ng lahat ng household chores bago siya pumunta sa work.

 

 

Ipinakita ito ni Bianca sa kanyang YouTube vlog titled “A Day in a Life,” ipinakikita niya na siya ang mag-isang gumagawa ng errands niya, naggu-grocery, kahit ang pagpapakain sa dalawang alagang aso ay siya ang gumagawa nito.

 

 

Kaya walang problema si Bianca, wala siyang iintindihin, tulad ngayon na naka-lock-in taping siya para sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time nilang pagtatambalan ni Ken Chan, kasama si Kelvin Miranda, na ang world premiere ay sa March 14 na sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

ENJOY ang mag-asawang Glaiza de Castro at David Rainey ngayong nakabakasyon pa si David dito sa bansa.

 

 

Since kasal na sila last October, 2021 sa Ireland, kasama ngang umuwi ni Glaiza ang husband niya.  Kaya sa ngayon ay inaayos na rin nila ang kanilang kasal sa bansa.  Napagkasunduan kasi nila noon na sa Ireland sila magpapakasal with the family of David.  Pero magkakaroon sila ng second wedding dito sa bansa, for the reason na mas malaki ang family ni Glaiza kung sila ang pupunta sa Ireland sa wedding.

 

 

  “Pero marami pa kaming kinu-consider, like ang weather sa aming kasal, kaya baka next year na rin naming gagawin,” kuwento ni Glaiza.  

 

 

“Nakipag-usap na kami sa event stylist at iba pang mag-aasikaso ng kasal, isang Christian wedding sa beach, kaya naghahanap pa kami ng lugar, special sa amin yung dagat, so iniisip pa namin kung magdadagat pa, baka mahirapan ang wedding organizer, hindi ba kami ulanin?  

 

 

Sayang naman ang effort kung magsi-set up kami ng event, at uulanin lamang.”

 

 

Kailan naman sila magbi-baby?

 

 

Kambal daw ang gusto nilang maging first baby.  Pareho pala silang may kambal sa family, kaya biro ni Glaiza, “gusto ko ang panganay namin, kambal para isang irihan na lang, isang babae at isang lalaki.”

 

 

At handa pala si Glaiza na iwan ang showbiz, sakaling may pamilya na sila ni David, para personal niyang maalagaan ang asawa at ang magiging mga anak nila.

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • 28 JAPANESE FILMS, STREAMING FOR FREE AT THE JAPANESE FILM FESTIVAL PLUS!

    TO continue sharing Japanese culture to the world amid the COVID 19 pandemic, the Japan Foundation, Manila (JFM) migrates its highly-anticipated Japanese Film Festival to an online platform!   The JFF PLUS: Online Festival is the digital edition of the Japan Film Festival that will run from November 20 to 29, 2020. JFM has carefully […]

  • Navotas nagkaloob ng tax refund

    Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis.   Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]

  • Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’

    NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang  Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa  COVID-19 pandemic at paghahati-hati  sanhi ng “cancel culture.”     Sa kanyang  Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan […]