Tumigil na rin sa pag-iinom at paninigarilyo: BILLY, nilinaw na hindi droga ang dahilan ng pagpayat
- Published on July 12, 2024
- by @peoplesbalita
“HINDI po ako adik!”
Iyan ang bulalas ni Billy Crawford bilang paglilinaw sa mga kumakalat na fake news tungkol sa rason ng pagpayat niya.
Ayon pa kay Billy, “I’m living my life to the fullest right now.”
Noon pa raw siya naiisyuhan tungkol sa kanyang itsura.
“It’s a loop. It’s like a circle sa buhay ko – a non-stop conversation is my nutrition or my diet. I’m not on a diet.
“It used to face me. It used to get me. It used to — may kurot nang konti pero now, it doesn’t anymore. Nakakatawa na lang.”
Hindi raw totoong nagdo-droga siya.
“Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far the one of the few artists or the ones who don’t try drugs.
“We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon, no problem. I have nothing to hide.
“Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko. I’m living my life to the fullest right now.”
Kahit nga raw ang pagiging alcoholic ay naalis niya sa kanyang sistema, maging ang paninigarilyo.
“It’s been over five years, since I’ve been sober.
“I have not touched a leak of alcohol. I have not touched cigarettes – zero. With God’s help and God’s grace, I did it.
“So, I think everyone is allowed and able to change. You can change.”
Maganda at maayos ang buhay niya dahil sa asawa niya na si Coleen Garcia at ang kanilang anak na si Amari.
Samantala, matapos ang ‘The Voice Generations’ ay muling mapapanood si Billy this time bilang hurado sa ‘The Voice Kids’ ng GMA.
***
SUMALI si Rainner Acosta sa Season 1 ng The Voice Philippines sa ilalim ng Team Lea Salonga.
May mga natutunan raw si Rainer mula kay Lea.
“Marami akong natutunan kay Lea lalo na kung paano ko dapat mahalin ang trabaho ko. Siya ang nagturo sa akin na kapag may laban ibigay ko ang 200 percent ko.
“Kasi sa actual na laban, bababa ng 50 percent kung ano ang napractice ko. Kung bumaba man nyan, may 100 percent pa. Huwag kang magpa-practice ng 100 percent lang na akala mo okay na,” pahayag ni Rainner.
Limang taong huminto sa pag-awit si Rainner at kaya siya nawalan ng gana na mag-perform ay dahil sa dati niyang karelasyon.
“Dumating sa point na ayaw niya akong kumanta. Nawalan ako ng ensayo kasi ayaw na niya akong pakantahin. Siguro nagseselos,” saad ni Rainner.
Kaya kahit nasaktan ay kinaya niya na wakasan ang kanilang relasyon.
May natutunan rin siya mula dito…
“Kailangan magtira ka para sa iyo. Noon akala ko pag pinipigilan niya ako, para sa kabutihan ko lang yun. I realize na ginawa niya yun para sa sarili lang niya. Hindi kami magbe-benefit doon. Hindi masamang magmahal ng sobra pero kailangan mahalin mo rin ang sarili mo.”
Paano siya nag-move on?
“Nag-training ulit ako sa, actually bago ako mag-WCOPA, nag-training ako sa Academy of Performing Arts, iyon din mismo sa WCOPA din, sila din nagko-condict noon. So natulungan nila ako na para mawala iyong… kasi hindi ako makatingin sa mga mata ng tao pag nagpe-perform ako nowadays.”
Ngayon ay nagbabalik na sa music scene si Rainner.
“Magiging visible na uli ako sa music scene,” lahad ni Rainner na grand-nephew ng yumaong OPM icon na si Rodel Naval.
Magkakaroon siya ng mini-concert na pinamagatang “Getting Back on Track” sa The New Music Box sa Timog, Quezon City, sa July 14 at 18.
Ang Bulakenyong singer ay naging three-time defending champion ng Tawag Ng Tanghalan sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.
Last year 2023 ay grand finalist at multi-medal winner si Rainner sa US World Championships of Performing Arts (WCOPA).
Sa lovelife ay maligaya ngayon si Rainer sa piling ng misis niyang si Dr. Nannette R. Rey-Melgarejo, Past President ng Philippine Heart Association (2018-2019) at associate professor sa De La Salle College of Medicine. Isa ring mang-aawit, ang misis niya ang naging inspirasyon upang muling ituloy ni Rainner ang pag-awit.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
10,196 public, private schools, nagpapatupad ngayon ng limited face-to-face classes — DepEd
MAHIGIT sa 10,000 eskuwelahan na naghahandog ng basic education sa buong bansa ang kasalukuyan ngayong nagpapatupad ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alerts Levels 1 at 2. Sinabi ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma, base sa quick count “as of March 22,” may kabuuang 10,196 […]
-
CHARACTER POSTERS AND MAIN TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA,” STARRING LEE BYUNG-HUN, PARK SEO-JUN AND PARK BO-YOUNG, RELEASED
In the aftermath of a disaster, the story really begins. Watch the main trailer for the thrilling Concrete Utopia, and check out the newly released character posters. Concrete Utopia, starring Lee Byung-hun, Park Seo-jun and Park Bo-young, opens in Philippine cinemas September 20. Directed by Um Tae-hwa, Concrete Utopia is loosely based on Part 2 of […]
-
Rehab ng LRT 2 at extension nakaplano
NAKAPLANO na ang P10 billion na proyekto ng pamahalaan para sa overhaul ng bagon ng Light Rail Transit Line 2 at ang pagkakaron ng extension ng linya hanggang Tondo sa Manila. “We would entertain proposals from the private sector to rehabilitate the LRT 2 train cars, maintain the rail line, and expand it by […]