• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Turista kailangang magpakita ng negative COVID-19 test results

Kailangan muling magpakita ng negatibong COVID-19 test results ng mga turista bago makapasok sa destinasyong probinsya dahil sa hindi pa nakapagpapalabas ng pinal na polisiya ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ukol sa mga ‘fully-vaccinated’ na.

 

 

Kabaligtaran ito ng unang inihayag ng pamahalaan na kailangan na lamang ipakita ang ‘vaccination card’ ng mga fully-vaccinated na tu­rista sa mga hangganan base sa IATF Resolution No. 124-B.  May mga kumontra dito dahil sa wala umano silang kakayahan na berepikahin ang pagiging tunay ng mga vaccination cards.

 

 

Ayon sa DOH, kiniki­lala nila ang pag-aalala ng mga lokal na pamahalaan kaya magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at ng League of Pro­vinces of the Philippines upang plantsahin ang resolus­yon.

 

 

“In any case, what remains is the flexibility of the LGUs to implement testing and quarantine protocols for interzonal travel,” ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire.

 

 

Pangunahing pag-uu­sapan ay ang paglikha ng mga paraan para maberepika ang pagiging totoo ng mga ‘vaccination cards’ na maaaring pekein ng publiko.

Other News
  • 1 TODAS, 1 SUGATAN SA PAMAMARIL SA NAVOTAS

    NASAWI ang 39-anyos na mangingisda matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan naman ang isang tsuper nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan si Marlon Jorje ng 478 B Cruz. St. Brgy. Tangos South […]

  • Mas malakas na ‘international legal frameworks’, kailangan sa pagtugon sa kalamidad, sakuna -PBBM

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malakas na ‘international legal framework’ na magsisilbi bilang gabay para sa disaster response measures.   ”We must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection […]

  • 3 TIMBOG SA P1 MILYON SHABU SA NAVOTAS

    MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.       Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, […]