• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tuwang-tuwa dahil ‘di nagbago ang Megastar: SHARON, hindi pa rin maka-get-over sa mga sinabi ni JESSICA

AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya maka-move on sa mga magagandang sinabi ni Ms. Jessica Soho.

 

Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, “Hanggang ngayon, di parin ako makaget-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa youtube channel ko.

 

“Iba kung ang isa sa pinakatitingala at nirerespeto mo ang nagsalita tungkol sa pagkakakilala niya sa yo thru the years. Thank you so much again, dearest Ms. Jessica!

 

“Much love to you and God bless you always. Your fan forever, Sharon. (three red hearts) #kmjs @km_jessica_soho
After nga ng sabay nilang guesting ni Gabby Concepcion sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ na pinalabas last Sunday, mapapanood naman sa YT channel ni Mega ang maikling interview nila kay Jessica, na kung saan nagbahagi ang multi-awarded journalist ng ‘di niya malilimutan tungkol sa encounter niya kay Sharon.

 

Caption niya sa YT post na may title na ‘I-KMJS mo yan, MEGA!’

 

“I was interviewed recently by someone I truly look up to…the one-and-only Ms. Jessica Soho and her team for “Kapuso Mo, Jessica Soho” on GMA. It’s been over 2 decades since I sat down with her but as soon as we started talking, it just felt like catching up with an old friend. “Thank you so much, KMJS and thank YOU, Jessica! I truly admire and respect you so much. You are one of my biggest idols in this industry. Thank you for your true friendship throughout all these years.”

 

Tuwang-tuwa nga si Jessica kay Sharon dahil hindi raw ito nagbago.

 

Say niya, “Sharon, we patterned our lives after you. Ikaw ang template namin.

 

“Tandang-tanda ko pa ‘yun first time na makita ko si Sharon na upclose. Naglalakad siya sa hallway ng GMA, paalis na siya. Tapos binati ko siya, ‘Hi Sharon!”

 

Tapos sabi raw ni Sharon, kung pwede itong maki-cr at pinapasok naman niya at ipinagmalaking malinis ang cr niya sa news department.

 

Kuwento pa ni Jessica, “si Sharon, napapanood ko sa TV. Sabi ko ang ganda naman niya, kumakanta ng ‘Mr. DJ’.
“Naalala ko one time, sabi niya, ‘Hi Dad, thank you for having the pool cleaned.’ Sabi ko, ‘wow, may swimming pool sila.’

 

“So, parang unthinkable sa amin na si Sharon Cuneta may swimming pool. Isa yun sa pinag-uusapan namin sa school at ng mga kaibigan ko.

 

“So, that was how I admired Sharon from afar. Halos magka-edad kami, mas bata lang si Sharon.”

 

May time na-bash si Sharon at nag-text daw si Jessica, dahil alam niya ang experience na yun. Kaya pinalalakas niya ang loob ng singer-actress.

 

Dagdag pa ni Ms. Jessica, “hindi siya nagbago. Yung core niya, ‘yun pa rin at napakabait. Napaka-pure ng puso, ‘yun parang sa bata.

 

“I suspect na may maliit na bata, who lives inside of Sharon Cuneta. She has remained child like all these years.

 

“So, tama ang inyong idolo because I sincerely and honestly believe she is a good person.

 

“Hindi siya nagbago, despite her fame, despite who she is. Despite kung nasaan siya ngayon.

 

“Siya pa rin yun Sharon Cuneta na nakilala natin publicly and even I think privately, ganun siya talaga.”

 

Samantala, sinisiguro ni KC Concepcion na hindi siya mawawala sa upcoming ‘Dear Heart: The Concert’ ng kanyang Mama Sharon at Papa Gabby.

 

Sa IG post niya, “I wouldn’t miss this for the world 💐 See you there.”

 

Magaganap ito October 27, 2023 sa SM MOA ARENA at 7pm.

 

At kaabang-abang nga ang magiging participation ni KC sa most anticipated grand reunion nina Sharon at Gabby.

 

I-announce pa kung sinu-sino ang special guests na tiyak na magdadagdag sa inaasahang star-studded event.

 

Bukod sa MOA Arena, magkakaroon naman ng Dear Heart VIP Night sa October 30 sa Okada Manila.

 

Ang three-part celebration ng legendary pair ay magtatapos sa November 17 para sa ‘InLife’s Dear Heart in Cebu’ na gaganapin naman sa NuStar Convention Center.

 

At base sa nababasa namin sa comment, may mga requests na sana raw ay makarating sa America, Canada at iba pang bansa ang ‘Dear Heart: The Concert’, para personal din nilang mapanood ang natupad na ring pangarap pagsasama nina Sharon at Gabby.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Birthday party, nagmistulang concert sa rami nang kinanta: GLADYS, ‘di napigilang maluha nang maalala ang pumanaw na ama

    BUKOD-TANGING ang actress na si Gladys Reyes lang talaga ang makakapag-pull-off ng party na tulad ng ginawa niya for her 45th birthday.     Talagang na-entertain ang mga bisita niya dahil nagmistulang concert ang party niya. Mahigit 15 songs yata ang sunod-sunod na pinerform niya, aside pa sa mga kantang kasama niya ang bestfriend na […]

  • Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments

    MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.”      Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.     “Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and […]

  • DOH may tulong sa mga OFW na apektado ng ipinahintong COVID-19 test ng PH Red Cross

    PUMAGITNA na ang Department of Health (DOH) sa hidwaan ng Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa hindi pa raw bayad na mga COVID-19 tests.   Ayon sa kagawaran, habang patuloy ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PRC para maayos ang issue, ilang hakbang na rin ang ginawa nila para makatulong […]