UAAP may bagong rules sa Season 87
- Published on September 6, 2024
- by @peoplesbalita
Simula sa Season 87, ipatutupad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong patakaran para sa mga student-athletes na nagnanais lumipat ng unibersidad.
Pormal nang inihayag ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pasya ng Board of Managing Directors sa press conference kahapon sa Novotel.
Base sa bagong rules, ang isang student-athlete na nais mag-transfer sa kapwa UAAP member school ay mababawasan ng dalawang taon na playing years mula sa dating patakaran na isang taon lamang.
“The UAAP, as a collegial body, decided that any transfer made after the academic year 2023-2024 will not only incur the usual residency requirement but will now be charged with an additional eligibility year, making it a total of two years,” ani Saguisag.
Halimbawa, ang isang rookie na nagpasyang lumipat ng ibang school sa susunod na season ay magkakaroon na lamang ng dalawang taon na playing years kasama ang kanyang bagong team.
“In simpler terms, the residency period will remain the same but only the playing years of the transferee will be affected,” ani Saguisag.
Nakatakdang magsimula ang Season 87 sa Setyembre 7 sa Smart Araneta Coliseum kung saan inaabangan na ang palabas na inihahanda ng season host University of the Philippines.
Kabilang na rito ang performance ng OPM band Eraserheads.
Masisilayan din ang salpukan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles na kilala sa tawag na “Battle of Katipunan.”
Ang tema sa season na ito ay ‘Stronger, Better, Together.’
-
Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?
MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles. Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang […]
-
MMDA: Modified number coding scheme suspendido pa rin
Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng modified number coding scheme sa Metro Manila simula noong Lunes. “The agency deferred its implementation amid the limited capacity of public transportation in Metro Manila, which remains under general community quarantine (GCQ) until June 15,” Ayon kay Pialago, ang number coding scheme ay […]
-
4 huli sa aktong nagtatransaksyon ng ilegal na droga sa Caloocan
KULONG ang apat na hinihinalang drug personalities, matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nagtatransaksyon umano ng ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Brgy. 8 ang mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Caloocan police sa ilalim […]