UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.
Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa.
Gaganapin ang opening rites ng NCAA sa La Salle Green Hills Gym sa Mandaluyong na siya ring magiging venue sa first day ng seniors basketball games.
Sa kabilang banda, idaraos naman ang UAAP opening ceremonies sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Itinalagang commissioner ng NCAA si veteran coach Bai Cristobal samantalang magiging commissioner ng UAAP si Tonichi Pujante.
Lalaruin ang NCAA mula Miyerkules hanggang Linggo kung saan dalawang laro ang masisilayan sa bawat play date.
Ang UAAP naman ay maglalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado — apat na laro kada play date.
Magkaiba ang format ng UAAP at NCAA.
Sa NCAA, single round robin format lamang habang double-round robin format naman ang UAAP.
Magiging magkatulad lamang ang dalawang liga sa Final Four kung saan ang Top 2 teams ay armado ng twice-to-beat advantage habang best-of-three naman ang magiging championship series.
-
‘Project Ligtas Eskwela’ ng QCPD, tagumpay
TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na palalawakin pa nila ang pagpapatupad ng “Project Ligtas Eskwela” na layong matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa lungsod. Ang paniniyak ay ginawa ni QCPD Director PCol. Melecio M Buslig, Jr., matapos na maging matagumpay ang isinagawang programa mula Oktubre 22 hanggang 28. Ayon […]
-
1 Pinoy nakaligtas sa lumubog na cargo ship sa Japan
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Japanese coast guard sa paglubog ng isang cargo ship sa karagatang bahagi ng Amami Oshima island, Huwebes ng gabi. Nailigtas nila ang isang 45-anyos na chief officer ng barko na si Eduardo Sareno habang hinahanap pa nila ang 38 iba pang tripulanteng Pinoy. Ayon sa […]
-
P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals
Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup. Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang […]