• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP sa apela ni Aldin Ayo: Status quo!

Wala pang balak ang UAAP Board na talakayin ang apela ni dating University of Santo Tomas (UST) Aldin Ayo sa kanyang indefinite ban.

 

Ito ay dahil hinihintay pa ng liga ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng CHED, DOJ at DILG na siyang magbibigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).

 

“Out of prudence, symmetry, and economy, the Board deemed it best, and since there’s no urgency to act on the issue and we’re not conflicting, we await those findings so we can align,” ani UAAP executive director Rebo Saguisag.

 

Sa ngayon, may mga mas importanteng bagay na pinagtutuunan ng pansin ang UAAP kabilang na ang pagpaplano para sa susunod na season ng liga.

 

Kaya naman ayaw madaliin ng liga ang isyu tungkol dito.

 

Iniimbestigahan si Ayo matapos pumutok noong Setyembre ang Sorsogon bubble sa Bicol na pinamunuan nito kasama ang Growling Tigers.

 

Nagbitiw bilang head coach ng UST si Ayo noong Setyembre 4.

 

Sa resulta ng imbestigasyon ng UAAP na ibinase sa report na isinumite ng UST, lumabas na may nagawang paglabag si Ayo kung saan inilagay nito sa panganib ang kaligtasan ng mga student-athletes na kasama sa Sorsogon bubble.

 

Dahil dito, ipinataw ang indefinite ban kay Ayo.

 

Naglabas ng sariling report ang PNP Sorsogon na inendorso ni Sorsogon Governor Chiz Escudero para linisin ang pangalan ni Ayo sa anumang paglabas sa quarantine at health protocols.

 

Ito ang naging batayan ni Ayo para hilingin sa UAAP na bawiin ang indefinite ban.

Other News
  • Gatchalian may malaking papel na gagampanan bilang Kalihim ng DSWD

    KUMPIYANSA  si Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., sa gagampanang papel ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian bigang bagong talagang kahilim ng Department of Social Welfare and Development DSWD).     Ayon kay Barzaga, ito ay bunsod na rin sa maayos na record ng mambabatas na nagsilbing local chief executive at kongresista.     Nagsilbi ng […]

  • Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa: RABIYA, hahanaping muli ang kanyang ama sa Amerika

    HAHANAPING muli ni Rabiya Mateo ang kanyang ama sa Amerika.   Balak ng beauty queen/actress na lumipad patungong Amerika sa kaarawan niya sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama na lumisan noong limang taon pa lamang si Rabiya.   “I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko […]

  • 6 sangkot sa droga kulong sa P183-K shabu

    KULONG ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Norbert Pereira, 33, Jhoemy […]