Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal
- Published on August 13, 2022
- by @peoplesbalita
INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong resolusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.
Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.
“Yesterday a resolution was uploaded on the website of the SRA purportedly coming from the Sugar Regulatory Board Resolution No. 4 authorized the importation of 300,000 MT of sugar on top of what had already been imported in May of this year. This resolution is illegal,” ani Cruz-Angeles.
Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin.
Nilinaw naman ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay plano pa lamang para sa pagsasagawa ng importasyon.
Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon para matukoy kung may gumawa ng sariling aksyon na magiging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng Pangulo sa kanyang mga opisyal, o kung may nangyaring “malice or negligence.”
Ibabase aniya sa resulta ng imbestigasyon kung ilang opisyal ang masisibak sa posisyon. (Daris Jose)
-
Vape masama sa kalusugan – DOH
PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa masamang epekto sa kalusugan ng electronic cigarettes (e-cigarettes) at iba pang vape products. Ang babala ay ginawa ng DOH matapos na lumitaw sa isang medical case report na idinukomento ni Dr. Margarita Isabel C. Fernandez at nalathala sa journal Respirology Case Reports, […]
-
Sekyu kulong sa pagbabanta at panunutok ng baril sa kinakasama
KALABOSO ang 39-anyos na sekyu matapos tutukan ng baril at hablutin ang buhok ng kanyang kinakasama nang maibigay ang ginang ng perang pambili nila ng pagkain sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. ang naarestong suspek na si alyas “Aguilar” ng Brgy. Pasolo na nahaharap […]
-
Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season
NAKATAKDANG magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance […]