• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw

HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila.

 

 

Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya.

 

 

Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw sa higit sa P300,000 ang nanakaw nito sa pamilya niya. Ang ibang ninakaw daw nito ay galing sa anak niyang si Cobie.

 

 

Heto ng post ni Alma sa Facebook: “Beware of this person Jhovelyn Castillo. She was our house staff. Madami nawala sa amin. [Please] share [and] be aware. Salamat. Around P300k ang napapadala niya sa probinsya sa loob ng [dalawang] taon na hindi pasok sa sahod niya. ‘Yung iba di pa namin alam. Umamin siya nung nawalan ng dollars ‘yung brother ko. Siyempre pati Beautederm items nakita ko nakatago sa laundry area nung naglinis ako nung umalis na siya, kaya ayun gumanda sa amin.

 

 

“We treated her like family- nakakagimik, nakakabarkada, nakaka ‘hang out’ pa mga kaibigan dito pero wala pa rin. Pangit ang sinukli. Tiga Romblon siya. Nung umamin siya pinaalis namin at nakita namin ‘yung mga resibo ng palawan na umabot ng 300k sa loob ng mga [dalawang] taon. Pakulong ko kaya?

 

 

“Panay dollars ang kinuha sa kapatid ko Albert Carvajal Concepcion na tinrato siyang barkada parati pa siya sinasama sa labas labas at nood ng sine. Pati anak ko, [si] Cobie Puno nawalan din ng money dahil siyempre sa bahay relax lang naka patong lang mga wallets kung saan saan. Kung nasaan ka man Jhovelyn [private message] mo ako.”

 

 

May suggestions ang ilang netizen kay Alma na sa susunod daw ay sa isang kilalang agency na kumuha ng kasambahay para malaman kung may malinis ang record nito. At bago raw sana pinaalis ni Alma ang kasambahay ay ni-report niya ito sa kanilang barangay at mapaamin kung ano pa ang mga ninakaw nito sa kanilang bahay.

 

 

***

 

 

NATUWA naman ang netizens sa nilabas na prenuptial photos ng newly-engaged couple na sina Jason Abalos at Vickie Rushton.

 

 

Kinunan ang prenup photos ng dalawa sa hometown ni Jason sa Pantabangan, Nueva Ejica noong December 2021.

 

 

Sa Pantabangan din nakabili ng ilang properties at nagpatayo ng bahay si Jason dahil gusto niyang sa probinsya sila maninirahan ni Vicki kapag kinasal na sila.

 

 

Post ni Jason sa Instagram: “Una sa lahat, salamat sa inyong mga pag bati. Our prenup happened Dec. last year in my hometown in Pantabangan Nueva Ecija. Here are some of the photos from the first layout. One of the best things that happened in 2021.”

 

 

Na-engage ang dalawa noong September 2021 pagkatapos ng sampung taong relasyon. Unang nagkakilala sina Jason at Vicki noong 2010 sa isang event na pareho silang naimbitahan.

 

 

 

Sinuportahan ni Jason ang pangarap ni Vicki sa pagsali nito sa beauty pageants. Noong dumating na sa pagkakataong hindi na qualified si Vicki dahil overage na ito, tinupad nito ang pangako kay Jason na magiging ready na itong mag-settle down kasama siya.

 

 

***

 

 

EXPECTING sa kanyang second baby ang singer-actress na si Mandy Moore.

 

 

In-announce ng ‘This Is Us’ star at ng kanyang husband na si Taylor Goldsmith ang kanilang happiness na masusundan agad ang kanilang firstborn na si Gus na sinilang ng singer noong February 2021.

 

 

“One incredibly seminal chapter of my life just ended and the next one, as a mother of two, is about to start… and are we ever so deeply grateful and excited. Baby Boy Goldsmith #2 coming this fall! Tour is gonna be slightly different than I expected but I can’t wait and Gus is gonna be the BEST big brother!!” caption ni Mandy sa kanyang post sa Instagram.

 

 

Post naman ng kanyang husband na si Taylor, tinawag niyang “best mom of 2″ si Mandy: “There’s a good chance I’m the happiest, luckiest person you know (or just follow) and now we’re gonna double it.”

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Lock-in shooting nila ni ALDEN, naudlot na naman: BEA, may gagawin ding American movie na isu-shoot sa Panay Island

    NAG-RELEASE na ng official statement ang actor na si Diether Ocampo tungkol sa aksidente niya last February 3, 2022.     Ayon kay Diether, “I had a long and exhausting meeting which lasted until almost midnight.  As I was driving home, I figured in a vehicular accident involving my SUV and a truck.     […]

  • Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo

    SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.       Para kay Mao Ning, spokesperson […]

  • DepEd, umaasa: bilang ng mga enrollees tataas pa hanggang sa buwan ng Nobyembre

    UMAASA pa rin ang Department of Education na tataas pa ang bilang ng mga estudyante na magbabalik -eskwela ngayong taon.   Sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones, batay sa inilabas nilang polisiya, maaari pa ring tumanggap ang mga paaralan ang mga late enrollees hanggang sa buwan ng nobyembre.   Ngayon aniyang unti-unti nang binubuksan ang […]