• April 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Umaming nami-miss nang sumayaw at kumanta: SEAN, working hard kaya dedma na lang sa ‘indecent proposal’

SOBRANG thankful si John “Sweet” Lapus nang kunin siya ng APT Entertainment para magdirek ng satire gag show na BalitaOneNan.

 

 

“Napakarami naman pwedeng magdirek ng Balita One Nan pero ako pa rin ang napili nila,” pahayag ni Sweet.

 

 

“Siguro nagustuhan nila ang trabaho ko sa ‘Boyfriend No. 13’ na ipinalabas sa sa WeTV last year. Actually, nagsisimula na rin ang pre-production ng isa ko pang gagawin kong show for APT na sitcom naman. Ang saya!”

 

 

Pangalawang directorial job na ito ni Sweet sa APT Entertainment. Naging guest director siya for one day sa Fill in the Blanks ang game show nina Jose Manalo at Pokwang. Nagkaroon ng emergency ang regular director ng show and two days before the show ay pinakiusapan si Sweet kung pwede siya ang magdirek.

 

 

That short stint led to Sweet directing 8 episodes of Boyfriend Number 13.

 

 

Ano ang challenge doing BalitaOneNan?

 

 

“Ang pinakachallenge siguro is the fact na mahuhusay na comedian din ang mga cast. Si Wally, Alex at Kaladkaren ang very good comedians.

 

 

Alam nila ang ginagawa nila. But yan din naman ang advantage. Madali kawork ang mahuhusay na comedian sa isang gag/satire show like BalitaOneNan.” Paliwanag ni Sweet.

 

 

Nagagamit mo ba ang pagiging komedyante mo in directing this show?

 

 

“Yes! Thank God at biniyayaan nya ako ng talent sa Comedy. Comedy Writer din naman ako. Ako sumusulat ng mga Stand-up shows ko noon at isa ako sa writers ng Daddy’s Gurl ngayon. Mahihirapan yata ako idirek ito kung hindi din ako comedian.”

 

 

***

NAMI-MISS ni Sean de Guzman ang pagsasayaw.

 

 

Ito ang sabi ng Viva contract star sa digital mediacon ng Island of Desire noong Lunes.

 

 

Dating member ng Clique 5, isang boy group, si Sean bago nabigyan ng break sa acting via Anak ng Macho Dancer. Bilang member ng Clique 5, nag-perform sila sa mga malls, doing song and dance numbers.

 

 

Pero nang mabigyan ng break sa acting at maging contract star ng Viva, hindi na nakarampa si Sean sa stage to sing and dance.

 

 

Mas marami na kasi siyang acting jobs at dito sa pag-aartista na ang focus niya.

 

 

Pero given a chance, gusto pa rin naman daw niya magsayaw at kumanta sa mall shows. Pero siguro solo na lang magpe-perform si Sean kung may mall show siya to promote a movie kasi disbanded na ang Clique 5 dahil may kanya-kanyang career na ang members nito.

 

 

Pumasok na rin sa acting si Marco Gomez, isa sa guwapong members ng Clique 5 at nakagawa na rin ng ilang pelikula.

 

 

Sean also said yes sa tanong kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal.

 

 

“May nag-aalok ng kotse, pera, bahay pero di ko ito ini-entertain kasi alam ko na may kapalit ito kaya may ganitong alok.

 

 

Kaya ko naman makuha ang mga iyan if I will work hard, na siya ko naman ginagawa,” sabi pa ng isa sa lead stars ng Island of Desire na dinirek ni Joel Lamangan.

 

 

***

SINIMULAN ng singer-hitmaker na si Ronnie Liang ang kanyang ‘Project Ngiti’ in cooperation with the Rizal Medical Center.

 

 

Sinasamahan ni Ronnie ang mga bata na may cleft para mag-undergo ng ng surgery.

 

 

Long-term partnership at advocacy ito ni Ronnie katulong ang mga doctor. Nurse at staff ng RMC para tulungan ang mga adults at mga bata na magkaroon ng normal at happy lives.

 

 

Para sa libreng cleft lip at left palate treatment at operasyon, magpadala lang ng comment sa Facebook page ni Ronnie at sila na mismo ang kokontak sa inyo.

 

 

Magandang project itong naisip ni Ronnie, na inspired sa hit singleniyang ‘Ngiti’ na kilalang-kilala ng mga bata.

 

 

Tiyak na maraming bata ang makikinabang na may ganitong kondisyon ang hindi makapagpagamot due to financial difficulties kaya maganda itong naisip ni Ronnie.

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP

    PUSPUSAN na ang pag­hahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang ma­tagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.     Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang […]

  • Isolation facilties ng Valenzuela, dinagdagan ng DPWH, IATF

    LUBOS na nagpasalamat si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa  Department of Public Works and Highways (DPWH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa pagpapatayo ng isa pang isolation facility lungsod.   Ani Gatchalian ang pasilidad na matatagpuan sa Arkong Bato ay magsisimula nang paganahin sa susunod na lingo. […]

  • PNP sa publiko: ‘Iwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical supplies’

    Patuloy na magbabantay ang Philippine National Police (PNP) upang maiwasan ang hoarding ng oxygen tanks at iba pang medical equipment at supplies.   Ito ang pagtitiyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 at pangamba na magkaubusan ng oxygen tanks.     Ayon kay PNP […]