Unang araw ng pambansang pagbabakuna, napakatagumpay- Sec.Roque
- Published on March 3, 2021
- by @peoplesbalita
NAPAKAMATAGUMPAY ng nangyaring pambansang pagbabakuna ng Sinovac na nagsimula araw ng Lunes, Marso 1 sa iba’t ibang ospital sa bansa.
Ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang dobleng bilang ng mga nagpabakuna sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan ay hindi ito inaasahan ng pamunuan ng PGH.
“At least doon sa PGH kung nasaan ako dahil nga may naunang alinlangan, mayroon silang survey na ginawa ang sabi nila hangang 60 lang pero nagpabakuna po mahigit pa sa 120 noh na mas doble pa sa mahigit pa sa dobleng in-expect nila. at ngayon po, buong araw silang nagpapabakuna sa PGH at inaasahan natin na baka magkulang pa iyong initial allocation na ibinigay sa PGH na 1,000 plus.. sang-ayon na rin po dun sa survey na kinuha ng ospital noh? kung ilan ang gustong magpabakuna. Huwag po kayong mag-alala kung kinakailangan pa po ng mas marami ay padadalhan po kayo kaya nga po mayroon tayong buffer stock na mga around.. 30,000 vaccines. So, napakatagumpay po niyan,” ang paliwanag ni Sec. Roque.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kung siya lamang ang tatanungin ay gustong-gusto na niyang magpabakuna.
Iyon nga lamang aniya ay binasura ang panukala nilang mga taga-IATF na mag-reserba ng 50 bakuna para sa tinatawag na mga influencers o mga tagapag-paigting ng vaccine cofidence.
“Ako ay sumusunod naman. Bagama’t kahapon nagmabuting-loob ang PGH na .. kung gusto mo ibibigay na lamang namin sa yo noh? At naghanda na po ako kaya lang.. to avoid controversy ay hindi na po ako nagtuloy at ang totoo naman po ay naubusan sila kahapon kasi akala nga nila 60 lang eh 128 ang nagpabakuna.anyway mabuti na rin po iyon dahil otherwise po ngayon ay aawayin ako ng mga advisory group. anyway, susunod na lang po ako para wala ng away. Kung pupuwede na eh susunod na ako dyan,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, dalawa lamang aniya ang nabakunahan na opisyal ng pamahalaan at ito aniya ay sina chief implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against Covid 19 carlito galvez at si deputy chief implementer Vince Dizon.
“Sinabi po ni Presidente na bakunahan sila. Ayaw pa po sana pero anyway i might as well say the truth noh? mismong si Presidente po ang nagsabi na itong dalawang ito.. kinakailangan mabakunahan dahil .. of course.. we need to walk the talk,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro
Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving. Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials. Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles. Matapos ang pahingi ng paumanhin ni […]
-
COVID-19 sa Pinas pumapatag na – DOH
NAKITAAN na ng pag-uumpisa ng pagpatag ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa base sa pag-aanalisa ng datos ng Department of Health (DOH). “NCR Plus areas initially showed sharp decline in cases,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. “NCR Plus and all island groups show plateauing,” dagdag niya. Sinabi niya […]
-
Ads November 16, 2021