Unang Ginang Liza Marcos nasa Pinas, walang katotohanan na pinigil ng US authorities
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
ITINANGGI ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na pinigil ng law enforcers sa Estados Unidos si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos.
”There is no truth that FL was held by any law enforcers while in LA or and in any other place,” ang sinabi ni Castro.
Sinabi ni Castro na dumating ng Maynila ang Unang Ginang, Lunes ng umaga.
Ang Unang Ginang ay nagkaroon ng working visit sa Estados Unidos para magpartisipa sa Meeting of the Minds at Manila International Film Festival. Siya ay nasa Miami, Florida at Los Angeles, California mula Marso 5 hanggang 8.
Nito lamang Marso 11, pinangunahan ni Unang Ginang Marcos ang turnover ng mga donasyon sa Girl Scouts of the Philippines sa kanyang tanggapan sa Maynila. (Daris Jose)
-
Cayetano ‘totoong resigned na’ bilang House speaker matapos mahalal si Velasco
PORMAL nang napalitan bilang speaker ng Kamara de Representantes si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Martes, matapos ang matagal- tagal na agwan sa pwesto bilang pinuno ng Mababang Kapulungan. Nangyari ito matapos tuluyang ratipikahan ng 186 miyembro ng House ang kanyang pamumuno, dahilan para matuloy ang “term-sharing” agreement […]
-
Kaso ng COVID-19 bahagyang tumataas – OCTA
NAITALA ang bahagyang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lugar sa bansa, ayon sa OCTA Research. Sa Laging Handa online public briefing, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA Research na nasa .7 o .71 ang reproduction number ng COVID-19 na medyo tumaas pero hindi pa […]
-
Rekomendasyon ng DoH, inaprubahan ng IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Forec (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols sa mga indibidwal gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas. Kinakailangan din ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol […]