• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang kaso ng Kappa variant natukoy sa Pinas

Nakarating na sa Pilipinas ang unang kaso ng COVID-19 Kappa va­riant o B.1.617.1 na isang lalaking pasyente mula sa Pampanga, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang unang kaso ng B.1.617.1 variant sa bansa na isang local case, isang 32-anyos na lalaki mula sa Floridablanca, Pampanga.

 

 

Magaling naman na umano ang pasyente at nagkaroon lamang ng mild na sintomas ng sakit.

 

 

Nakolekta ang sample nito noong Hunyo 2, 2021 pa, kung kailan ang B.1.617.1 variant ay itinuturing pa lamang na variant of interest.  Pero simula noong Setyembre 20, ang naturang variant ay itinuturing na bilang ‘variant under monitoring’ ng World Health Organization (WHO).

 

 

Tiniyak naman ni Vergeire na masusi nilang iimbestigahan ang natu­rang kaso upang makakuha pa ng dagdag na impormasyon kung paano nakarating ito sa Pilipinas.

 

 

Ang Kappa variant ay nagmula sa lineage na kahalintulad ng sa Delta variant at unang natukoy sa India noong Oktubre 2020. (Daris Jose)

Other News
  • MVP nag-donate ng vaccine para sa national athletes

    Nagbigay ang MVP Sports Foundation (MVPSF) ni businessman at sports patron Manny V. Pangilinan ng 500 booster shots ng Moderna anti-COVID-19 vaccine para sa mga miyembro ng Team Philippines na sasalang sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Ito ay para sa proteksyon ng mga national athletes laban sa COVID-19 […]

  • Notice to the Public

    We would like to inform the public that Ms. Weng Visagar is no longer connected with People’s Balita. Any advertising/legal notices transactions from her will no longer be valid.

  • DOTr: National standards sa paggamit ng iisang payment systems sa lahat ng transport modes inaayos

    Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) ng nationwide standards specifications para sa fare media at transit readers para sa planong “nationwide interoperable automated fare collections systems (AFCS)” sa lahat ng transport modes.   “We are formulating and finalizing the release of the AFCS National Standards to ensure interoperability and mutual trust among multiple automatic fare […]