• December 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unang safety seal sa food company, iginawad ng DOLE

Personal na iginawad ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang unang safety seal certification ng labor department sa CDO Foodsphere, Inc. noong Hunyo 18, 2021 sa Valenzuela City.

 

 

Ang CDO Foodsphere, Inc., na ang pangunahing produkto ay CDO easy to cook homemade meal, ang unang manufacturing company sa Pilipinas na ginawaran ng safety certification.

 

 

Ang Safety Seal Certification Program ay batay sa direktiba ng Inter-Agency Task Force Resolution No. 87 s. 2020 at ang manufacturing company ay nasa ilalim ng awtoridad ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ang mga establisimyento sa construction, utilities, information and communication, at warehousing industry.

 

 

Sinabi ni Bello na ito ay isang patunay na sinusuportahan ng kompanya ang layunin ng pamahalaan na maging ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

 

 

“Pinupuri at binabati ko ang Foodsphere sa kanilang pangunguna na makatanggap ng safety certification para kumpirmahin ang kanilang pagsunod sa minimum public health standard na ipinag-utos ng pamahalaan,” pahayag ni Bello.

 

 

Binigyang-diin din ng labor secretary na ang safety seal ay magtataas sa kumpiyansa na tinitiyak ng kompanya ang kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado nito.

 

 

“Maaari nang tiyakin ng mga organisasyon na may safety seal certification sa kanilang stakeholder, lalo na ang kanilang manggagawa, na sila ay ligtas at protektado sa kanilang lugar-paggawa,” dagdag ni Bello.

 

 

Pinasalamatan ni CDO Chief Executive Officer Jerome D. Ong ang DOLE sa pagkilala sa kanilang pagsisikap na mapangalagaan ang kanilang mga tao at kanilang produkto.

 

 

“Dito sa CDO, nakatuon lamang kami sa tatlong bagay upang lampasan ang mga hamon ng pandemya – protektahan ang kaligtasan ng mga empleyado, pagpapanatili ng ligtas na lugar-paggawa, at pagtataguyod ng business mobility,” pagbabahagi ng CDO chief.

 

 

Inaasahan din ni Secretary Bello na ito ay magbibigay inspirasyon sa iba pang mga negosyo na kumuha ng safety seal certification.

 

 

Kasama din sa ginanap na seremonya sina DOLE Undersecretary Renato Ebarle, Assistant Secretary Ma. Teresita S. Cucueco, at DOLE NCR Director Sarah Buena Mirasol. CPSD/ gmea (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

    ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.     Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.     Sa kabila na […]

  • COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

    Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.     […]

  • Beermen magpapalit ng import

    BAGAMA’T impresibo ang inilaro ni import Orlando Johnson sa nakaraang 110-102 panalo ng San Miguel sa nagdedepensang Barangay Ginebra ay papalitan pa rin siya ng Beermen sa umiinit na PBA Governors’ Cup.     Ang five-year NBA veteran na si Shabazz Muhammad ang sasalo sa trabaho ni Johnson para palakasin ang tsansa ng San Miguel […]