• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Uniform travel protocols para sa lahat ng Local Government Units (LGUs).

 

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang gumawa ng uniform travel protocols “for land, air and sea” sa pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.

 

Binanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang ilang salient provisions ng nasabing travel protocol.

 

Kabilang na rito ang hindi na required na sumailalim sa COVID-19 testing ang biyahero maliban na lamang kung ang “LGU of destination’ ay humihingi ng testing bago ang pag-byahe.

 

Ang testing ay limitado lamang sa RT-PCR test.

 

Hindi na rin required na sumailalim sa quarantine ang bIyahero maliban na lamang kung sila ay nagpakita ng sintomas pagdating sa “LGU of destination.”

 

Patuloy ang pagpapatupad ng mahigpit na minimum public health standards, gaya ng physical distancing, hand hygiene, cough etiquette at pagsuot ng face masks at face shields.

 

Mahigpit ding ipatutupad ang clinical at exposure assessment sa lahat ng port of entry at exits samantalang ang health assessment ng mga biyahero ay mandatory ” upon entry in the port/terminal at exit” sa point of destination.

 

Pagdating naman  sa  kinakailangan na mga dokumento ay hindi na required ang travel authority na galing sa Joint Task Force COVID Shield at hindi na rin required ang health certificates.

 

Ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APORS) na nagtatrabaho sa gobyerno ay kinakailangan na magpakita ng identification card, travel order at travel itinerary.

 

Kailangan din ng mga ito na makapasa sa symptom-screening sa ports of entry at exit.

 

Samantala, Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ng Department of Science and Technology (DOST) ang magiging one-stop-shop application/ communication para sa mga biyahero.

 

Ang StaySafe.ph System ay gagamitin naman para maging primary contact tracing system.

 

Ang iba pang umiiral na contact tracing applications gaya ng Traze App, ay kinakailangan na mag- integrated sa StaySafe.ph System.

 

Samantala, pagdating naman sa ports at terminals, kailangan na may sapat itong quarantine/isolation facilities.

 

Ang lahat ng ports at terminals ay kinakailangan na magkaroon ng referral system kung saan ang symptomatic travelers ay maaaring ilipat sa quarantine / isolation facilities kung saan ang mag-aasikaso sa mga ito ay ang Bureau of Quarantine para sa mga paliparan o local health officials para sa LGUs.

 

Ang lahat naman ng buses sa Metro Manila na biyaheng probinsiya ay kinakailangan na gumamit ng Integrated Terminal Exchange bilang central hub para sa transportasyon.

 

Walang bus company at public transport ang pinapayagan na gumamit ng private terminals.

 

Ang mga LGUs naman  ay puwede ring magbigay ng transportasyon sa lahat ng mga byahero na magta-transit mula sa isang LGU papunta pa sa isang LGU “in case of arrivals” sa “air and seaports” papunta sa kanilang end-point destinations.”

 

Titiyakin naman ng DILG, Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), DOST at Philippine National Police (PNP), at pati na rin aniya ng LGUs, ang maayos na pagpapatupad ng mga asabing protocols.

 

“Nagpapasalamat po kami sa lahat ng ating mga lokal na opisyal dahil kapag mayroon po tayong “common procedure” eh mas mapapabilis po ang pag-byahe sa loob ng Pilipinas,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Isa sa achievements sa aquatic adventure: MIGUEL, pinost ang impressive backflip video

    SA kanyang Instagram, pinost ni Miguel Tanfelix ang bagong achievement niya, ang mag-backflip.     Mapapanood ang impressive backflip video ng ‘Voltes V: Legacy’ star habang nagbabakasyon kasama ang kanyang co-star na si Ysabel Ortega at iba pa nilang kaibigan.     Isa lamang ang naturang achievement sa mga highlight ng aquatic adventure ni Miguel […]

  • Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque

    MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.   ” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson […]

  • Sulo, hindi na kasama sa BARMM

    IBINASURA ng Korte Suprema ang mosyon na humihiling na huwag ibukod ang lalawigan ng Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Hindi pinaboran ng Korte Suprema ang mga motion for partial reconsideration na inihain ng BARMM government, Office of the Solicitor General, at iba pa noong September 9, 2024.   Pero […]