• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino  ang prayoridad na  mabigyan ng  COVID-19 vaccine.

 

“Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address.

 

Ang mahirap na pamilyang Filipino ani Pangulong Duterte ay iyong nabibilang o nasa listahan ng    Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

Ang susunod aniya sa 4P beneficiaries ay mahihirap na pamilyang Filipino na wala sa listahan ng nasabing programa.

 

Magkagayonman, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na bago ang mga ito ay mauuna munang bigyan ng bakuna ang mga  uniformed personnel.

 

“Pero mauna sa lahat ang mga military pati pulis kasi kung walang pulis pati military, babagsak tayo. Sinong magguwardiya sa atin?” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na ipatutupad ng  military  ang free vaccine program laban sa  COVID-19.

Wala namang problema kay Pangulong Duterte kung mauna man siya o huling mabigyan ng bakuna.

 

“At ‘yung mga taga-gobyerno, kung gusto ninyo ako ang mauna para magkaroon kayo ng kumpiyansa o I can be the last Filipino to get, unahin kayo lahat,” aniya pa rin.

 

“Mahuli kami, basta sigurado ang pinag-uusapan dito na hindi mahuli ang mga mahihirap,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

 

Muli ay tiniyak ni Pangulong Duterte sa publiko na ang vaccine ay malapit nang dumating.

 

Inaasahan niya na makatatanggap siya ng suplay ng vaccine mula sa  China at Russia.

 

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng  Food and Drug Administration na hindi pa nito natatanggap ang kahit na anumang aplikasyon para simulan ang  clinical trial para sa COVID-19 vaccines. (Daris Jose)

Other News
  • Sofia, nag-post na ng pasasalamat at pamamaalam sa ‘Prima Donnas’

    NAG-POST ang Kapuso teen actress na si Sofia Pablo via Instagram ng kanyang pasasalamat at pamamaalam sa GMA teleserye na Prima Donnas.   Hindi na nakakasama si Sofia sa fresh episodes ng naturang teleserye dahil pinagbabawal ang below 15 years old na mag- taping bilang pagsunod sa safety and health protocols na galing sa DOLE […]

  • Pdu30, nakipagkita kay Cayetano matapos na mag-alok ito na magbitiw bilang House Speaker

    NAKIPAGKITA at nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano , araw ng Miyerkules, ilang oras matapos mag-alok ang huli na magbitiw sa kanyang pwesto bilang House Speaker.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kasama sa meeting ng Pangulo ang asawa ni Cayetano na si Lani at ang kapatid nitong […]

  • Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang

    IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available.   Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang […]