• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Unvaccinated vs COVID-19 bawal lumabas ng bahay sa NCR Alert Level 3 — MMDA

Nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” —  ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula ika-3 hanggang ika-15 ng Enero dahil sa biglaang pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 kasabay ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.

 

 

“Ito’y in principle napag-agreehan nila [Metro Manila mayors], ‘yung mga walang bakuna [laban sa COVID-19]… they shall remain in their residences at all times except for the procurement of essential goods and services,” ani MMDA chair Benhur Abalos, Lunes, sa isang briefing.

 

 

“[The latter includes], but [are] not limited to food, water, medicine, medical devices, public utilities and energy, work and medical and dental necessities.”

 

 

Sa kabila nito, papayagan pa rin naman daw ang individual outdoor activities at exercise sa labas ng “general area of residence” o sa loob ng sumusunod na lugar alinsunod sa guidelines ng Metro Manila local government units:

  • baranggay
  • purok
  • subdibisyon
  • village

 

 

Kaugnay pa rin kasi ito ng katotohanang karamihan ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay panay mga hindi pa nakakukuha ng kumpletong primary series ng bakuna, dahilan para hindi sila magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na sakit.

 

 

“Para ano rin ito, para kang nag-[Enhanced Community Quarantine] only for the unvaccinated, for their own protection,” dagdag pa ni Abalos.

 

 

“Dapat nasa bahay lang sila. Pwede silang lumabas kung bibili lang sila ng goods and services.” (Daris Jose)

Other News
  • GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA

    HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann?     Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya.     Hindi ba niya alam ang restrained […]

  • Ads May 19, 2021

  • VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo

    Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections.     Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.     “Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan […]