• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Upang matiyak na naaayon sa Saligang Batas’: PBBM, masusing nirerepaso ang mga item sa GAA -Bersamin

MASUSING nirerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na umaayon ito sa Saligang Batas.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa viber message sa mga mamamahayag.
“The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources,” ang winika pa ni Bersamin.
Inaasahan naman na titintahan ni Pangulong Marcos ang P6.352-trillion panukalang national budget para sa susunod na taon sa darating na Disyembre 30, 2024.
“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” ang nauna namang sinabi ni Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.
Matatandaang, una nang itinakda ang paglagda sa panukalang 2025 General Appropriations Bill noong Disyembre 20, subalit naunsiyami ito para “to allow more time for a rigorous and exhaustive review.”
Nauna nang sinabi ni Bersamin na “certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”
“Fiscal years 2001, 2004, and 2006 all had reenacted budgets,” ang sinabi naman ng Department of Budget and Management.
“There were also partial reenacted budgets in fiscal years 2003, 2005, 2008, and 2009,” ayon pa rin sa departamento. (Daris Jose)
Other News
  • Comment ni RABIYA sa pagsali ni NEIL sa ‘PBB’, hinihintay ng netizens; ex-bf handang ikuwento ang dahilan ng paghihiwalay

    HANDA ikuwento ng ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na si Neil Salvacion ang dahilan nang paghihiwalay nila sa pagsali nito sa reality show na Pinoy Big Brother.     Sa naging audition video ng 27-year-old nurse na taga-Iloilo City: “Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling […]

  • Konami Confirms A New ‘Silent Hill’ Movie, Reviving Franchise

    KONAMI is reviving the Silent Hill franchise with a full lineup of exciting titles fans could look forward to!   The Silent Hill Transmission streamed today, running for 48 minutes and unwrapping multiple announcements including new games, a new movie, and a Silent Hill 2 remake. Watch the full video and check out the list […]

  • Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30

    PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.   Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   “It behooves upon me to see to it na […]