Upcoming series, may titulong ‘The Write One’: BIANCA, pinakilig ang mga fans nila ni RURU sa kanyang mga rebelasyon
- Published on November 25, 2022
- by @peoplesbalita
Kasama nila sina Michelle, Arra, Rochelle at Kylie…
SANYA at GABBI, sumabak na sa matinding ensanyo para sa isang action-packed series
PINAKILIG ni Bianca Umali ang mga fans nila ni Ruru Madrid nang ipaalam niya ang upcoming teleserye nila para sa GMA Public Affairs na may titulong ‘The Write One’.
Sa programang ‘The Boobay and Tekla Show’ ay pinag-react si Bianca sa mga sinabi ni Ruru noong mag-guest ito noon at tinanong sa mga tunay na nararamdaman niya para sa Kapuso actress.
Unang reaction ni Bianca ay sa sinabi ni Ruru na siya ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay.
“Very flattering na marinig at makita na sinabi niya ‘yon on-air sa inyong lahat. Ang sarap sa puso kasi alam ni Ru kung gaano ako ka-private na tao and hindi talaga ako katulad niya na ikukuwento ko ang lahat sa lahat,” sey ni Bianca.
Nabanggit din ni Ruru na very proud ito sa mga na-achieve ni Bianca sa career nito, lalo na sa pagganap sa iba’t ibang roles sa mga teleserye nito sa GMA.
Reaction ni Bianca: “The fact na gano’n siya ka-proud, it only shows me all the more that I am also the luckiest to have him with me.”
Sa sweet message na iniwan ni Ruru para kay Bianca, sinuklian naman niya ito ng isa ring matamis na mensahe.
“Thank you kasi alam mo kung gaano ka ka-importante sa buhay ko. Maraming panahon na pakiramdam ko mag-isa lang ako pero ‘yung kamay mo ‘yung nandiyan para mayroon akong mahahawakan at makakapitan.
“Sa sinabi mo na hindi mo man masusuklian ang lahat, hindi ko hinihingi na suklian… ang sa akin lang ay ‘yung diyan ka lang sa tabi ko, huwag kang mawawala sa akin kasi hindi ko kaya and hindi ako mapapagod na yakapin at hawakan din ang kamay mo sa lahat ng pagkakataon na kailangan mo ako.”
***
NAGSISIMULA na sa kanilang ensanyo para sa isang action-packed series ang mga Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Michelle Dee, Arra San Agustin, Rochelle Pangilinan at Kylie Padilla.
Matitinding fight scenes nga raw ang gagawin ng anim na aktres sa sisimulang nilang teleserye kaya ngayon pa lang ay naghahanda na sila.
Wala namang nabanggit pang title sa gagawin nilang teleserye, pero may mga nanghula nang mga netizen na baka ito na ang cast ng matagal nang inaabangan na ‘Sang’gre.’
Sey ni Sanya: “Oh my gosh Encantadia ba ito? Para kasing bumalik talaga sa amin lahat na… remember noong nag-uumpisa pa lang tayo sa Encantadia, kung paano rin tayo nag-training noon. Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din ito at fantasy din, halos nandoon lahat, lalo na ang action, nandito. Lahat ng bata, matanda, mommy, daddy, lahat, buong pamilya, talagang magkakasundo kapag pinanood ito.”
Si Gabbi naman ay tinatawag na proud moment ang ginagawa nila ngayon para maging handa sila physically, mentally and emotionally.
“Very brave sa mga ganitong klaseng concept and talagang in-embrace nila ang women empowerment, lalo na ang cast na ito, very powerful. When you feel good about yourself and you’re confident and you don’t let other people dictate who you are, empowered ka talaga. We have bad days pero at the end of the day you still strive to be confident,” sey ni Gabbi.
Naniniwala naman si Michelle na lalabas lalo ang kanyang pagiging competitive sa gagawing Kapuso series: “My character kasi, she’s super, super good at what she is known for. She is highly combative, very action-packed. I have a really good background kasi on sports, being athletic, so mabilis sa akin ‘yung hand-eye coordination.”
Kaba at excitement naman ang nararamdaman ni Rochelle, na kailangang matuto ng bagong sport at skills para sa sisimulan na show.
“Talagang may laban ang mga babae dito. Kailangan kong matutunan dito ay kung paano mangabayo at kung paano pumana. Doon ako nae-excite, kasi never ko siyang nagawa, sa lahat ng roles, ito ‘yung bago rito,” diin pa ni Rochelle.
First time naman daw ni Arra na ma-experience ang intense na training para sa magiging role niya sa show.
“‘Yung first day namin ng training, gutom na gutom ako. As in ‘pag nagwo-workout ako, ‘yung workout ko ‘yung kunwaring mga bike, spinning, sobrang nakakapagod ‘yun ‘di ba? Hindi ako nagugutom after, as in wala akong appetite. Ito talaga, gutom ako kasi gumagana ‘yung utak mo, kailangan gumana ng utak mo sa mga arnis, na kapag napapanood mo sa TV parang ang dali-dali lang, pero hindi,” sey pa ni Arra.
***
PAGKATAPOS ng ilang commitments, magpapahinga raw muna sa paggawa ng pelikula ang Marvel Studio actor na si Chris Hemsworth pagkatapos siyang ma-diagnose with a genetic predisposition to Alzheimer’s disease.
Ayon sa 39-year old Thor star: “They discovered that my DNA contains two copies of the APOE4 gene, one from his mother, the other from his father, making his chance of developing the progressive neurologic disorder eight to 10 times higher than the average person’s.”
Hindi raw nakakapagtaka dahil ang lolo ng aktor ay kasalukuyang may Alzheimer’s disease.
Ayon sa Mayo Clinic: “Alzheimer’s causes the brain to shrink and brain cells to die. About 80% of people with Alzheimer’s are over the age of 75. There is no cure for the disease, but medications may temporarily improve or slow the progression of symptoms.”
Dahil sa nadiskubre sa DNA niya, nagdesisyon si Chris na magpahinga muna sa paggawa ng pelikula at mas tumutok sa kanyang pamilya. Tatlo ang anak ni Chris sa misis niyang si Elsa Pataky na sina India (10) at twins Sasha and Tristan (8),
“It really triggered something in me to want to take some time off. And since we finished the show (Limitless), I’ve been completing the things I was already contracted to do. Now when I finish this tour this week, I’m going home and I’m going to have a good chunk of time off and just simplify. Be with the kids, be with my wife.
“I want to sit and be in this space with a greater sense of stillness and gratitude. Then you start talking about kids and family and going, ‘Oh my God, they’re getting older, they’re growing up and I keep slapping another movie on top of another movie.’ Before you know it, they’re 18 and they’ve moved out of house, and I missed the window.”
Huling napanood si Chris sa Thor: Love and Thunder. Natapos na niyang i-shoot ang dalawang pelikula: Netflix’s Extraction 2 and George Miller’s Mad Max: Fury Road prequel Furiosa.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Naghatid si Kianna Dy sa ikatlong sunod na panalo ng F2 Logistics
Walang iniwang hamon na hindi sinagot si Kianna Dy nang ibigay ng F2 Logistics ang Creamline sa unang pagkatalo nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference noong Martes, Nob. 8, sa Smart Araneta Coliseum. Ang 5-foot-10 Dy ay naghatid ng 18 puntos na binuo sa 10 pag-atake, anim na block at dalawang ace […]
-
3rd Quarter Monthly allowance ng MPD police, naibigay na
IBINIGAY na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang 3rd quarter allowance sa lahat ng kapulisan na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) ngayong araw. Matapos ang isinagawang flag raising ceremony, mismong si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang nag-abot ng tseke sa ilang kapulisan na naglalaman ng kanilang “monthly allowance” simula buwan ng Hulyo, […]
-
Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno
Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan. Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]