• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Updated Red, Green, and Yellow List , inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Oktubre 28, 2021 at ipinalabas ang updated Red, Green, and Yellow List nito epektibo Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 15, 2021.

 

Ang bansang Latvia ay naka-classify sa ilalim ng Red List.

 

Inisa-isa naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bansa/jurisdictions/territories sa ilalim ng Green List na kinabibilangan ng Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Chad, China (Mainland), Comoros, Cook Islands, Eritrea, Falkland Islands (Malvinas), Hong Kong (Special Administrative Region of China), Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Federated States of Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustatius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu at Yemen.

 

Ang lahat ng mg bansa/ jurisdictions/territories na hindi nabanggit ay nasa ilalim ng Yellow List.

 

Sa kaugnay na usapin, pinalawig ng IATF sa Yellow List ang limitadong international transit hub operations na nauna nang inaprubahan para sa mga bansa/territories/jurisdictions sa Green List.

 

Gayunman, ang operasyon nay dapat na limitado sa airside transfers sa pagitan ng Terminals 1 at 2, at sa loob ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

 

Samantala, inaprubahan din ng IATF ang paglikha o pagbuo ng sub-Technical Working Group na pamumunuan ng Department of Transportation (DOTr) na babalangkas at magpapanukala ng special pilot testing at quarantine protocols para sa mga Filipino, balikbayans, at kanilang pamilya na magmumula sa Green at Yellow Lists.

 

Inaprubahan din ang rekumendasyon ng DOTr para sa unti-unting pagtaas ng passenger capacity sa public transportation para sa road-based at rail transportation na bumabagtas sa Kalakhang Maynila at kalapit- lalawigan mula 70% ay magiging full capacity simula Nobyembre 4, 2021. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, papangalanan ang ‘most corrupt’ presidential bet bago ang May 9 polls

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papangalanan niya ang “most corrupt” presidential candidate bago ang national elections.     Ani Pangulong Duterte, obligasyon niya na ipaalam sa mga mamamayang filipino ang mga bagay na alam niya upang tulungan ang mga ito sa kanilang desisyon.     Sa kanyang Talk to the People, araw ng […]

  • PBA bubble gagawin sa Clark, Pampanga simula sa Oct. 9

    Nagdesisyon na rin ang Philippine Basketball Association (PBA) na gagawin nila ang kanilang sariling bersiyon ng bubble sa Clark, Pampanga.   Ang pagbuhay sa mga laro ng PBA ay sisimulan sa pamamagitan ng All-Filipino Cup sa October 9.   Gayunman mag-aantay pa ang PBA sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung aaprubahan ang kanilang […]

  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]