• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US dinagdagan ang bilang ng mga sundalo na ipapadala sa Europe

DINAGDAGAN ng US ang kanilang sundalo na ipinadala sa Europa ngayong linggo dahil sa panganib na paglusob umano ng Russia sa Ukraine.

 

 

Ayon sa Pentagon, mayroong 2,000 na sundalo na galing sa Fort Bragg, North Carolina ang ipapadala sa Poland at Germany.

 

 

Kinabibilangan ito ng 1,700 miyembro ng 82nd Airborne Division ang ipapadala sa POland at ang natitira sa Germany.

 

 

Habang ang 1,000 na nasa Germany na ay mapupunta sa Romania.

 

 

Ang nasabing bilang ay karagdagan sa 8,500 na sundalo ng US na inilagay sa alerto ng Pentagon na handang ipadala sa Europe kung kinakailangan.

 

 

Paglilinaw naman ni Pentagon Spokesperson John Kirby na ang mga sundalo ay hindi makikipaglaban sa Ukraine at sa halip ay para tiyakin ang pagdepensa ng US sa kanilang mga kaalyadong bansa.

 

 

Dagdag pa nito na ang paglalagay nila ng sundalo ay nagpapahiwatig kung gaano kahalaga sa US ang NATO at mga kaalyadong bansa.

 

 

Nauna rito itinanggi ng Russia ang kanilang balak na pag-atake sa Ukraine kahit na naglagay na sila ng mahigit 100,000 sundalo sa border nila ng nasabing bansa.

 

 

Binatikos naman ni Russian Deputy Foreign Minister Alexander Grushko ang paglalagay ng sundalo ng US dahil ito ay isang uri ng paninira na siyang magtutulak pa na magkaroon ng tensiyon sa lugar.

Other News
  • Djokovic, na-disqualify sa US Open matapos tamaan ang judge

    Na-disqualify si Novak Djokovic sa US Open matapos tamaan niya ng bola ang line judge.   Naganap ito sa fourt round ng mag-serve ang Serbian tennis star kung saan lamang ang kalaban na si Pablo Carreno Busta ng Spain. Tinamaan nito sa leeg ang babaeng line judge ng ito ay magse-serve sana.   Matapos ang […]

  • ARIELLA, naniniwalang mapapansin si BEATRICE sa ‘70th Miss Universe’; maraming kagimbal-gimbal na eksena sa ‘Sarap Mong Patayin’

    NATANONG si Ariella Arida sa virtual mediacon ng launching movie niya sa Viva Films, ang Sarap Mong Patayin kasama sina Kit Thompson at Lassy Marquez, tungkol sa chance ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez sa 70th Miss Universe na gaganapin sa December 2021 sa Eilat, Israel.     Naniniwala ang 3rd Runner-up sa 2013 […]

  • Pagsasapinal ng supply agreement na Johnson & Johnson, ilalatag na

    ISASAPINAL na ngayong araw ni Vaccine czar at Chief Implementer Carlito Galvez ang supply agreement sa Johnson & Johnson.   Makikipagpulong si Galvez sa Johnson & Johnson para plantsahin ang hakbang ng pamahalaan na makakuha din ng bakuna mula sa nasabing American vaccine manufacturer.   Maliban sa Johnson & Johnson’s ay tinatrabaho din ani Galvez […]