• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US golf star Tiger Woods sasailalim muli sa operasyon

SASAILALIM sa panibagong operasyon si American golf star Tiger Woods.

 

 

Sinabi nito na sa mga susunod na araw ay sasailalim siya sa microdecompression surgery para ayusin ang mga nerve issue sa kaniyang lower back.

 

 

Dagdag pa nito na mula pa noong nakaraang mga buwan sa mga torneo na kaniyang sinalihan ay kaniya na itong dinaramdam.

 

 

Umaasa ito na kapag natapos na ang operasyon ay makakabalik na ang kaniyang normal na pamumuhay lalo na ang paglalaro nito ng golf.

 

 

Magugunitang hindi na itinuloy ni Woods ang torneo sa Genesis Invitational noong Pebrero dahil sa kirot na naramdaman.

 

Ito na sakali ang pang-anim na pagsasailalim ni Woods na operasyon sa loob ng ilang taon.

 

 

Noong 2021 ay sumailalim ito sa microdiscectomy para matanggal ang bone fragment na nagpapasakit sa kaniyang nerve.

Other News
  • Ipinagdiinang ‘di pumapatol sa ‘one night stand’: KELVIN, mas gustong ginagastos ang pera na pinaghirapan niya

    PINABULAANAN ni Kelvin Miranda na hindi siya ang tinutukoy sa blind item ng direktor na si Darryl Yap tungkol sa isang aktor na na-“booking” umano ng international singer na si Sam Smith.     Sa naturang blind, nai-book daw ni Sam Smith ang isang aktor sa halagang P1 milyon kada gabi.     “Ang dami […]

  • ‘Wonder Woman 3’ Could Still Happen With Gal Gadot Even Without Patty Jenkins

    WARNER Bros. and DC Studios reportedly still want to make Wonder Woman 3 with Gal Gadot as the star, even if director Patty Jenkins does not return.     The Wonder Woman movie franchise began as the crown jewel of the DC Universe, as the first movie released in 2017 earned critical acclaim and surpassed […]

  • Pagtapyas sa taripa sa rice imports, pinag-uusapan na- Diokno

    PATULOY na tinatalakay ng Department of Finance (DoF) sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang panukalang tapyasan ang taripa sa rice imports habang naghahanap ng “the greatest good for the greatest number.”            Sinabi ni  Finance Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang ibaba ang taripa ay kasalukuyang  tinitingnan bilang bahagi ng“comprehensive strategy” para tapyasan […]