• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

User ng TikTok account sa assassination plot vs BBM, tukoy na ng PNP

NATUKOY  na ng Philippine National Police (PNP) ang user ng TikTok account na nag-post ng video tungkol sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

 

 

Sa press briefing, inatasan ng PNP Chief ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ipagpa­tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso sa korte, depende sa mga nakalap na ebidensya.

 

 

“Identified na po ‘yung gumamit ng TikTok”, ani Carlos.

 

 

Sa ngayon aniya, tuluy-tuloy ang digital trail at sakaling sapat ang ebidensiya, maisasampa ang kaso at makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa nasabing indibiduwal.

 

 

Hindi pa nagbigay ang hepe ng PNP ng mga karagdagang ukol sa pagbabanta kay Marcos.

 

 

Nilinaw nito na hindi lamang assasination plot ni dating senador Bongbong Marcos ang kanilang inaasikaso kundi maging ang dinudulog ng iba pang kandidato.

Other News
  • Mahigit P3.41-B pondo para sa Filipino scholars sa technical vocational institutions, inilabas na ng DBM

    NAGLABAS  ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P3.410 billion para pondohan ang pag-aaral ng mga Pilipinong mag-aaral sa technical vocational institutions.     Ito ay kasunod ng paglagda ni DBM Secretary Amenah Pangandaman noong nakalipas na araw sa special allotment release order (SARO) para sa paglalabas ng naturang pondo sa Technical Education […]

  • Ads February 7, 2022

  • Isinusulong pa rin ang responsible pet ownership: CARLA, nais isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set

    WINNER ang nais ni Carla Abellana na mabigyan ng proteksyon ang mga hayop na napapanood o na gumaganap sa mga teleserye at pelikula.     Katuwang ni Carla sa adbokasiya ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), na nagnanais na isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set, at hindi rin dapat ginagamit bilang props ang […]