Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong Marcos sa BOC ay para i-validate ang lahat ng warehouse na nag-iimbak ng imported rice at kagyat na magpalabas ng letters of authority para inspeksyunin ang mga nasabing warehouse.
“We will be conducting more inspections of these warehouses. The inspection and visitation will be coordinated with other agencies like the DA (Department of Agriculture) and DTI (Department of Trade and Industry).” ayon kay Rubio.
Nito lamang Agosto 25, sinabi ng BoC na pansamantala nitong kinandado at binantayan ang tatlong warehouse na matatagpuan sa loob ng Intercity Industrial Complex sa Balagtas, Bulacan, napaulat na nagtatago at nag-iimbak ng smuggled rice na nagkakahalaga ng ₱505 milyong piso.
Ani Rubio, ang mga may-ari ng bodegang ito ay binigyan lamang ng hanggang Setyembre 8 para magpakita ng “proof of payment” ng duties at taxes para sa rice importation.
“Pag hindi nakapagbigay ng correct payment of duties and taxes, magkakaroon ng issuance of warant of seizure and detention na magbibigay ng authority para ikumpiska ang imported articles stored in the warehouses,” aniya pa rin.
Ang mga naturang warehouse ay naglalaman ng 202,000 sako ng imported rice grains na napaulat na nagmula pa sa Vietnam, Cambodia, at Thailand.
Tinuran ni Rubio na hindi siya makabigay ng konklusyon kung ang nabanggit na produkto na nakaimbak sa warehouse ay intensyong itago.
“BOC’s authority only extends to whether the sacks of imported rice are paid with the correct duties and taxes,” ani Rubio.
“This comes after Marcos ordered the close monitoring of rice prices in markets and said he “will go after hoarders and price manipulators who take advantage of the lean months before the harvest season,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nito lamang Agosto 16. (Daris Jose)
Other News
-
Ads February 4, 2021
-
Hanga sa pagiging versatile actor… RHIAN, matagal na palang gustong makasama sa movie si PAOLO
ANG bagong Marikit Artist Management na ang nangangalaga sa showbiz career ng young actress na si Barbara Miguel. Pag-aari ni Joseph “Jojo” Aleta na dati ring may mataas na puwesto sa GMA bago nagdesisyong magtayo ng sarili niyang talent agency dahil wala na nga si Barbara sa GMA, paano kung may makukuha si Joseph na […]
-
Tim Cone hindi nababahala sa bagong coach ng New Zealand; Quiambao may malaking papel sa laban ng Gilas Pilipinas
Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand. Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao. Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na […]