• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Utos ni PBBM sa DILG, tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan, 2025

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan sa susunod na taon.

 

 

“The most immediate here is the elections,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting, araw ng Martes sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sa naturang pulong, sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla Jr. kay Pangulong Marcos na magsasagawa ng isang special meeting ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng Commission of Elections (Comelec), Department of National Defense (DND), Philippine National Police (PNP) at DILG sa Nov. 15 para talakayin ang mga hakbang para sa naging direktiba ng Punong Ehekutibo.

 

 

Ang kautusan ng Pangulo ay sa gitna ng ulat na may ilang lugar ang may mga kaso na ng karahasan.

 

 

Gayunman, hindi pa kumpirmado ang mga kasong ito kung ito ay election-related.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na nais niyang makausap ang mga pamilya at liderato ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mapayapa at maayos na halalan.

 

 

“Magtanong na rin tayo sa mga magiging leadership ng BARMM. We can ask the chief minister what he thinks,” ang tinuran ng Pangulo.

 

 

“Same thing, we talk to the families. We talk to the families what they think. I’m interested to hear what they have to say. Hindi pa natin sila kinokonsulta about this,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi naman ni Remulla na mahigpit silang nakikipagtulungan sa lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) para siguraduhin na ‘no election-related violence’ na mangyayari. ( Daris Jose)

Other News
  • Matapos ang mahalagang partisipasyon sa WEF: PBBM, balik-Pinas na

    NAKABALIK na ng Pilipinas si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Sabado matapos dumalo sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.     “I am pleased with the progress we have made during our crucial participation in the World Economic Forum (WEF), a truly global multi-stakeholder platform,” sa kanyang naging talumpati sa Villamor Air […]

  • Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC

    SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.     Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs.     “Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and […]

  • Malakanyang, pinaboran ang pahayag ng NEDA na kakayaning makamit ng Pinas ang 2021 Economic Growth Target

    PABOR ang Malakanyang sa naging pahayag ng National Economic Development Authority ( NEDA) na makakamit ng bansa ang 2021 Economic Growth kahit pa manatili sa alert level 2 ang National Capital Region (NCR) hanggang Disyembre 15.   Sinabi rin ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsalita na ang NEDA at ang […]