Vacation service credits ng mga guro, itinaas pa sa isang buwan
- Published on September 28, 2024
- by @peoplesbalita
DINODOBLE pa ng Department of Education (DepEd) ang vacation service credits ng mga guro sa 30 araw.
Ipinaliwanag ng ahensya ang mga service credit, kung saan nagbibigay-daan ito sa mga guro na i-offset ang mga pagliban dahil sa sakit o personal na dahilan, o upang mabawi ang mga bawas sa suweldo sa panahon ng bakasyon.
Ang panibagong kautusan ay nagbibigay ng karapatan sa mga kasalukuyang guro na may hindi bababa sa isang taon ng serbisyo, gayundin ang mga bagong hire na guro na itinalaga sa loob ng apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng klase, ng 30 araw ng mga vacation service credits taun-taon.
Maliban dito, ang mga bagong guro na ang mga appointment ay ibinigay sa nakalipas na apat na buwan pagkatapos ng pagsisimula ng mga klase ay makakatanggap ng 45 araw ng mga bakasyon bawat taon. (Daris Jose)
-
Pagpapalabas ng P3 bilyong karagdagang pondo ng DSWD, aprubado na ng DBM
PARA patuloy na mabigyang tulong ang mga indibidwal at mga pamilyang nangangailangan, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng karagdagang pondo na nagkakahalagang P3 bilyon para sa kinakailangang budget para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. Inaprubahan ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman ang pagpapalabas […]
-
Sinasabing pahayag ng WHO na nakukulangan ito sa hakbang ng pamahalaan para protektahan ang mga health workers, pinatulan ng Malakanyang
IGINIIT ng Malakanyang na ang pinakamabisang bakuna ay kung ano ang naririyan o available. Ito ang tugon ng Malakanyang sa naging pahayag WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe na kulang pa rin ang hakbang ng pamahalaan para protektahan ang frontline healthcare workers ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang […]
-
Gobyerno tutulong hanggang may nagugutom na Pinoy – Romualdez
“HINDI titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom,” paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes. Kasama ang higit 90 mga kongresista, namahagi si Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. […]