Vaccination itataas sa 100% ng populasyon
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.
“Yung 70% ’yun ’yung sa original strain ng virus natin ’yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.
Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyong katao na ang fully-vaccinated hanggang nitong Disyembre 4.
Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.
Iginiit niya na epektibo pa rin ang mga bakuna maging sa Omicron variant dahil sa maiiwasan ang malubhang epekto ng COVID-19 at pagpapaospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
“Person of interest’ sa pagpatay kay Percy Lapid slay, nakita sa CCTV footage — Abalos
UMAPELA si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. sa publiko na magbigay ng impormasyon nang pagkakakilanlan ng ‘person of interest’ sa pagpaslang sa broadcaster na si Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid. Nahagip kasi ng closed-circuit television (CCTV) footage ang imahe ng nasabing mga […]
-
Parking problem
PARKING ang isang malaking problema sa Metro Manila. Dulot na rin ito ng dami ng sasakyan at ang kawalan ng sapat na mapaparadahan. Kaya naman problema ang epekto nito sa ating mga kababayan. Kaya para lang siguro masolusyunan kahit papano ang ‘parking problem’ – nauso ang tinatawag na “one-side parking” sa mga lansangan kung […]
-
PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”
ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino. Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay. May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet. […]