• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vaccine czar Galvez, nabakunahan na rin ng Sinovac

Naturukan na rin ng Sinovac COVID-19 vaccine si vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

 

 

Isa si Galvez sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH), kung saan isinagawa ang ceremonial rollout.

 

 

Layon ng programang ito na palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa gitna ng hesitancy sa pagpapabakuna.

 

 

Nagkaroon ng kaunting delay sa pagtuturok ng Sinovac COVID-19 vaccine kay Galvez dahil nais nitong mauna muna ang mga health workers.

 

 

Base sa vaccination priority list ng pamahalaan, ang mga frontline workers sa mga healthcare facilities ang siyang unang makakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Sa ceremonial rollout ng COVID-19 vaccination program ng pamahalaa, si PGH Director Gap Legaspi ang unang nakatanggap ng bakuna.

 

 

Ginamit kina Legaspi at Galvez ang bakunang gawa ng Chinese firm na Sinovac.

 

 

Kahapon, dumating sa Pilipinas ang 600,000 doses ng mga bakunang ito. (Daris Jose)

Other News
  • Jonathan Roumie of ‘The Chosen is Finally’ coming to Manila in November!

    MANILA, Philippines – October 21, 2024 Jonathan Roumie, the actor beloved for his portrayal of Jesus in the ground-breaking series The Chosen, is set to visit Manila for a fan screening event on November 22, 2024.   This promises an early Christmas gift for Pinoy fans of the hit series The Chosen!   The event […]

  • Pinaghandaan at nag-research sa role na special child: MARICEL, labis na hinangaan ang kahusayan ni LA

    HINDI man pinalad na makasama sa sampung official entries para sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikulang “In His Mother’s Eyes,” para sa kanila, blessing na rin na mauuna na itong mapanood ngayong November 29. Pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Roderick Paulate at LA Santos. Si Maricel na siyang gumaganap na ina ni LA ay […]

  • Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH

    Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan.     Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna.     Ayon kay Vergeire, mayroon talagang […]