Valenzuela LGU, magbibigay ng educational sa incentives graduating students
- Published on May 21, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng educational incentives sa mga graduating students sa pampublikong elementarya at senior high school para matulungan at kilalanin ang kanilang pagsisikap na maging mahusay sa kanilang pag-aaral.
Aabot 16,252 graduating students ang makakatanggap ng educational incentives na nagkakahalaga ng Php1,500 sa ilalim ng Ordinance No. 551, Series of 2019, at Ordinance No. 1110, Series of 2023 na pinamagatang “An Ordinance Granting Financial Assistance to every graduating elementary and senior high school students and additional financial grant to the top five (5) honor students in all public schools in Valenzuela City.”
Gaya ng nakasaad sa ordinansa, ang karagdagang financial grant ay ibinibigay sa top 5 honor students bukod pa ang naunang Php1,500 educational incentive para kilalanin ang kanilang academic achievements tagumpay sa buong school year.
Mula Mayo 15 hanggang Mayo 18, si Mayor WES Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ay mamimigay ng educational incentives sa mga magtatapos sa grade six students sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya sa lungsod kung saan nasa 2,098 benepisyaryo ang nakatanggap na.
Binati ni Mayor WES ang mga mag-aaral na nagtapos at nagpahayag ng pasasalamat sa lahat ng mga kawani na matagumpay na natapos ang school year.
“Hindi naman po ganoong kalakihan ang ibibigay po ng lokal na pamahalaan, ngunit kahit papaano po sana makatulong ito sa inyong mga gastusin at higit sa lahat, sana ito po’y maging motibasyon natin na lalo pa nating pagbutihin ang ating pag-aaral sa susunod na school year.” pahayag ni Gatchalian.
Samantala, ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pampublikong senior high school ay magsisimula sa Mayo 20 hanggang 21, 2024. (Richard Mesa)
-
Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19
FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin. “So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang […]
-
Jose Cardinal Advincula itinalagang Archbishop of Manila ni Pope Francis
Inanunsiyo ngayon ng Vatican ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Jose Cardinal Advincula bilang bagong arsobispo ng Archdioces of Manila. Si Advincula bilang ika-33rd na arsobispo ng maynila ang ipinalit kay Cardinal Luis Antonio Tagle na siya na ngayong prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nakabase sa Roma, Italya. […]
-
2 drug suspects arestado sa Valenzuela buy bust
Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga habang narescue naman ang isang 16-anyos na dalagitang estudyante sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilyn Ileto, alyas “Ayhie”, 31, at Marvin Manalotoc, 30, kapwa ng 5226 […]